Regine Velasquez-Alcasid, tanggap na ang pagiging tsismosa!

EXCITED SI Regine Velasquez-Alcasid sa ba-gong programa niya sa GMA-7 na Sarap Diva. Parang cooking show ito, pero hindi raw ‘yung typical na instructional na cooking show na nagtuturo kung paano lutuin ang isang dish.

More on tsikahan daw ito na nagtsitsismisan habang nagluluto ng paborito nilang pagkain. Magsisimula ito sa October 6 bago mag-Eat Bulaga.

Nakitaan kasi ng galing sa hosting job si Regine sa Hot TV. Marami ang natutuwa sa kanya na game na game kahit ano ang pinapagawa sa kanya sa programang ‘yun. Kaya naisipan ng GMA-7 na bigyan siya ng sarili niyang show dahil lumalabas talaga ang pagkatsismosa niya.

Tanggap naman ni Regine na may pagka-tsismosa siya at marunong naman siyang magluto kaya bagay na bagay itong Sarap Diva sa kanya.

Nagsimula na siyang mag-taping nu’ng nakaraang Biyernes at dapat ay isa sa mga special guests niya sina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero, pero biglang hindi na pumuwede dahil sa taping ni Heart sa Luna Blanca.

Pero nangako silang itutuloy ang guesting dahil doon nila ikukuwento kay Regine kung ano talagang meron sa kanilang dalawa.

Doon din sa Sarap Diva ikinuwento ni Regine ang masayang bakasyon nila sa Singapore nu’ng nakaraang linggo. Doon nagkita-kita sila ng mga anak ni Ogie kay Michelle Van Eimeren na sina Sarah at Leila.

Sabi nga ni Ogie, ‘yun daw ang pinakamasaya at pinaka-blessed na bakasyon nila. Hindi nga raw nila napansin na patapos na pala sila sa bakasyon, kaya hindi raw nila napigilang mag-iyakan sa airport nu’ng maghiwalay sila.

Natawa pa si Ogie sa pagkuwento na ang da-ming mga fans daw du’n sa airport na gustong magpalitrato sa kanila. Tumigil lang daw sila nang nakita nilang nag-iiyakan na sila. Kaya ‘yung ibang nagpalitrato raw sa kanila, may luha pa raw sila sa mata nila.

Ang gusto nga ni Ogie, na gawin daw nila ang ganu’ng bakasyon nang madalas para lalong maging close daw ang magkakapatid. Nakikita naman daw nila kay Baby Nate na naggu-glow ang mga mata nito kapag nakikita nito ang mga ate niya.

Si Ogie pala isa sa mga special guests ni Regine sa pilot episode ng bagong programa niyang Sarap Diva. May participation pala roon ang baby niya at ang aso nitong si George. Parang virtual daw ito sa ibang segment ng show na ‘yun.

 

AYAW MAG-COMMENT ni Derek Ramsay sa isyung may non-showbiz girlfriend na raw ito ngayon.

May iba yata, na-mention na ang pangalan nu’ng babae pero ayaw itong sagutin ng aktor.

Totoo kaya ‘yun? Ang tsismis kasi, matagal na raw ‘yun at pinag-awayan na nga raw nila ‘yun ni Angelica.

Wala namang komento si Angelica tungkol diyan. Happy naman ito kay John Lloyd Cruz kaya hayaan na silang dalawa.

Mas gusto na raw ni Derek ng tahimik na lovelife. Kaya ayaw na nitong magsalita dahil non-showbiz naman itong girl, at wala naman itong kinalaman sa kanyang showbiz career.

Kaya tugmang-tugma yata ang movie nito ngayon sa Viva Films na A Secret Affair kasama si Anne Curtis at Andi Eigenmann.

Pero ang isa pang ikinaloka ng aktor, ‘yung sinabi raw ni Aiza Seguerra na kung gusto niyang mabuntis, si Derek ang gusto niyang mag-donate ng punla nito para magkaanak siya.

Bongga ang Aiza, ha! Talagang si Derek ang pinagpantasyahan. Type nga kaya ni Aiza na naka-maternity dress.

Tingnan na lang natin!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Regine Velasquez-Alcasid, tanggap na ang pagiging tsismosa!

  1. tatapatan na naman ng gma ang becareful with my heart every saturday? haha! hindi na nadala ang siyete kung ano ano na lang ang itinatapat

Leave a Reply

Your email address will not be published.