REGINE VELASQUEZ-ALCASID, MAGPAPATULONG SA SIYENSYA PARA MABUNTIS!

BONGGA ANG CHINESE New Year ko, ‘day! Nasa Paris kami at talagang ini-enjoy ko ang bonggang bahay ni Dra. Vicki Belo doon. Kaya lang, pabalik naman kami ng Maynila sa mismong Chinese New Year, pero feel naman namin dito ang celebration kahit super-lamig!

Hindi na nga ako naglalabas at sleep na lang talaga ako dahil bongga naman ang tinitirhan namin. Dapat makabalik kami agad ng Maynila dahil kailangang hindi ako absent sa Startalk, ‘no!

Punung-puno kami sa Sabado dahil live guests namin ang buong cast ng My Valentine Girls na pinangungunahan siyempre ni Richard Gutierrez, kasama ang leading ladies niya na sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff at Lovi Poe.

Ewan ko lang kung sasagutin ni Lovi ang isyu nila ni Cong. Ronald Singson dahil ang alam ko, tikom ang bibig niya dahil on-going pa ang kaso. Sa February 17 pa raw dedesisyunan ng Hong Kong Magistrate ang verdict sa congressman. Malamang na nasa Hong Kong niyan si Lovi para suportahan ito, kahit na nadamay siya sa mga huling pahayag ni Ronald.

Bukod kina Richard, magpu-promote din ang dalawang bida ng I Heart You Pare na sina Regine Velasquez at Dingdong Dantes. Magkikita sina Richard at Dingdong na hanggang ngayon ay naiintriga pa rin. Ibabalita ko na lang sa inyo kung ano ang drama nila kapag magkita sila sa dressing room.

NAKU! ANG HABA na pala ng pangalan ni Regine dahil ginagamit na niya ngayon ang apelyido ni Ogie Alcasid. Sa billing niya sa I Heart You Pare, ‘Regine Velasquez-Alcasid’ na ang gamit niya dahil very proud daw siya roon at gusto niya talagang makilala bilang Mrs. Alcasid. Matagal na raw niyang hinihintay ‘yon, kaya ninanamnam na niya ngayon, ‘di ba?

Balak palang magpahinga muna ni Regine pagkatapos nitong I Heart You Pare, gusto niyang pagsilbihan talaga si Ogie at gampanan ang responsibilidad bilang Mrs. Alcasid. Minsan nga raw, humihingi siya ng sorry sa asawa dahil may mga time na alam niyang kailangan siya ni Ogie, nasa taping siya.

Naintindihan naman daw ni Ogie ‘yon, pero nagi-guilty pa rin siya. Kaya pagkatapos ng teleserye, gusto niyang i-devote muna ang time kay Ogie, at siyempre, kakaririn niyang mabuntis na siya. Sabi raw ni Ogie, kung kinakailangang humingi sila ng tulong ng siyensya, gagawin nila, para makabuo lang at magka-baby na sila.

“We’re open to that, kasi, we have to be realistic, ‘di ba? Pero like I said, maraming ginagawa ngayon na hindi naman naging successful, so na kay God pa rin ‘yun. If He wants to give us child, then it’s a blessing. Pero kung hindi, okay lang din,” sey pa ni Regine.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “REGINE VELASQUEZ-ALCASID, MAGPAPATULONG SA SIYENSYA PARA MABUNTIS!

  1. ano ba,,,di naman yata si regine ang rason ng hiwalayan nila ni ogie at mcihelle,,diba,,wag naman,,,i wish them mag ka anak sila,,pero natural may anak na si ogie kay michelle,,na dapat tutukan din,,diba,,,tama si regine,,if gods will,,be it,,if hinfi ,,e di wala,,thats life,,,,acceptance wid respect,,hehe..parang siALICE DIXSON AT asawa nya,,wala silang anak,,

  2. Feeling ko lang, ganito rin ang mangyayari kay Sarah Geronimo. Kapag tumanda at gumurang na at halos wala nang lalaking magkakandarapa sa kanya, saka lalandi at mangangabit ng lalaki.

Leave a Reply

Your email address will not be published.