Regine Tolentino has a new boyfriend?

OLA CHIKA! HALOS hindi ako makapaniwala sa ipinadalang e-mail sa akin tungkol sa dancer/ TV host na si Regine Tolentino, na sinundan pa ng mga larawang kasama ang sinasbaing lalaki diumano nito. Kalerke naman, o!

Kung hindi ako nagkakamali, muntik nang mauwi sa hiwalayan ang relasyon ng mag-asawang Regine at lander Vera Perez.

Pero ngayon, halos ang mga larawan na ang makapagsasabi kung ano ang namamagitan kina Regine at sa lalaki? Bukod sa larawang ipinadala, sinasabi pa na very sweet daw sa isa’t isa sina Regine at ang lalaking nasa larawan. Kung hindi ako nagkakamali, ang lalaking ito ay ang baguhang singer na galing pa sa Canada. Doon nga raw ito lumaki, at Zacariah nga ang pangalan.

Dagdag pa, ito raw umano ang kinahuhumalingan ngayon ng dancer/ TV host.

Nakakuha ako ng kaunting impormasyon tungkol sa lalaki. Kasalukuyan pala itong nag-aaral ng kursong Optometry. Hmm… bonggacious, huh!

Ano kaya ang masasabi ng asawa ni Regine na si Lander sa isyung ito? Naku, ha?! Tingnan na lang natin sa mga nakuhang larawan. Kaloka naman, o! ‘Yun na!

TRABAHO LANG, WALANG personalan. Kaibigan ko si Ruffa Mae Quinto. Ni minsan, wala akong galit sa kanya. Ngunit sa kinasasangkutan niya ngayon tungkol sa eskandalo ng ‘sex videos’ ni Dr. Hayden Kho, sabit nga rin siya.

Maihahalintulad nga si P-Chi sa isang hamburger, kung saan siya ang palaman. Kumbaga, naiipit siya sa dalawang malalaking nag-uumpugang intriga at eskandalo. Hay, kalerke naman, o!

Hawak na nga po kasi ng inyong lingkod ang sinasabing ‘sex video’ nina Hayden at Ruffa Mae, kung saan naging isyu ito noon, na ngayon lamang sumabulat.

Para sa kaalaman ng lahat, hindi lang pala si Ruffa Mae ang may ganu’ng video, marami pa at ang ilan, nasa aking kamay na. Bukod nga kina Katrina Halili at Maricar Reyes, meron pang kilalang aktres ang parang inumpog ang ulo sa naglalakihang bato. ‘Pag sumambulat ang ‘sex video’ na kinasasangkutan niya, nakakaloka huh!

Idinenay na ni Ruffa Mae ang isyung may sex video sila ng manyak na Hayden na ‘yan. ‘Pag naririnig ko ko ang name na ‘yan, parang nandidiri ako. Hahaha! Ngayon nga, ang dating idinedenay ni P-Chi, totoo pala! Naku, ha?!

Kaya trabaho lang, walang personalan. Alam kong nagkatrabaho tayo noon, ngunit pagdating sa pamamahayag, kailangang gampanan ko ang aking tungkulin. O, laban kayo?! Hahaha! Hay, naku! Nakakaloka! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

9 thoughts on “Regine Tolentino has a new boyfriend?

  1. Tita Swards More Power!!! Isa ka ng Alamat sa Larangan
    ng Chikahan…! Bigyan me ng Girlas Pg uwi ko Malapit na Ok..! kamukha ni Katrina…He3x tnk u..

  2. Ok lng c Hayden Kya lng sumablay!!! pero Ok lhat ng mga Bebot pde na nga akong mamatay kung ako un!!! Swerte mooooh!!!! Haydennnnnnnnn…!

  3. eto c swarding putak ng putak wala namang maipakitang pictures ni regine t. anung klaseng writer to……kalerke ka ng kalerke dyan….mukha mo kalerkehen mo….

  4. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II Issue #69

  5. Parang hindi naman realible si swarding. Siguro minsan naririnig pa lang nya pero wala pang concrete evidence but then naka sulat na kagad. tsk.. tsk… Walang personalan trabaho lang.