Regine does the ‘Naglilihi’

KUMPIRMADO NANG NAGDADALANG-TAO na ang Songbird na si Regine Velasquez. Malapit nang maging certified mother itong si Mareng Regine matapos isiwalat ng kanyang doktor na limang linggo na siyang buntis. Dapat na ikatuwa nang husto ni Papa Ogie Alcasid ang latest news na ‘yan dahil ang tagal na nilang inaasam-asam na magkaroon ng baby, ‘noh. Ipinayo rin sa singer-actress na maghinay-hinay sa pagtatrabaho para safe ang kanyang pagbubuntis.

Matatandaang nauna nang ipagkalat ng isang aktres na malapit kay Regine ang pagdadalang-tao ng kanyang kaibigan. Hmmm… sino kaya ang mahaderang ito? He-he, chos! Huling-huli naman ng aming kamerang-gala kung paano maglihi ang lola n’yo, huh! Naku, Papa Ogie ibigay ang hilig ni wifey at baka maudlot pa ang paglabas ng ‘yong junakis, hek-hek!

Photos by: Luz Candaba & Parazzi Wires

Ni MK Caguingin

Guesswhodoes
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Regine does the ‘Naglilihi’

Leave a Reply

Your email address will not be published.