Regine Angeles, nagbabadad sa condo ng male starlet! – Francis Simeon

PINOPORMAHAN NGA KAYA ngayon ni Paolo Avelino si LJ Reyes na magkasama sa intimate birthday dinner ng kaibigan nilang si Say Alonzo recently? Kasama rin nila si Chariz Solomon at ang non-show biz boyfriend ni Say.

Kitang-kita raw sa pictures na magkatabi ang kapwa StarStruck alumna the whole time of their dinner. Binibiro pa raw sina Paolo at LJ nina Chariz at Say at sinisiksik nila ang dalawa sa upuan upang magkadikit nang husto.

Prior to this chika, may nakapagkuwento rin sa amin na nakita naman si Paolo with Kapamilya talent at Be Bench female winner na si Regine Angeles sa labas ng condominium ng una sa Pioneer Highlands sa Mandaluyong City habang nag-aabang daw ng taxi na sasakyan ng huli.

May suot pa raw na sumbrero si Regine para siguro hindi siya makilala ng tao. Ano kaya ang ginawa nilang dalawa sa condo ng young actor? Nagtitigan at nagchikahan?

Nang makausap namin minsan si Regine ay inamin nito na naging close friends talaga sila ni Paolo kahit na isa itong Kapuso talent, lalo na noong magkahiwalay sila ng kanyang ex-boyfriend na model turned actor kuning na si Marvin Raymundo na mukhang nawawala na yata ngayon.

Actually, bago ang lahat ng mga sightings na ito, nakita rin namin mismo si Paolo na umiinom sa isang bar sa Pioneer din sa Mandaluyong na may kasamang isang non-show biz girl. Ano ba talaga, Paolo? Sino ba talaga ang pinopormahan mo?

In fairness, nakakatuwa na kasama ang young actor sa pelikulang Panday ni Sen. Bong Revilla na entry ng GMA Films sa Metro Manila Film Festival o MMFF sa darating na Pasko.

GAANO RAW KAYA kadalas ang minsan na binibisita ng singer-actor ang hunky actor, o pinapapunta ng huli ang una sa balay (bahay) nito?

Naloka raw kasi ang isang aktres nang minsang magpadala ito ng lafang o pagkain sa balur (bahay) ng hunky actor thru her personal assistant o PA. Tamang address ng bahay naman daw ang ibinigay niya sa kanyang PA, pero ang singer-actor daw ang tumanggap ng foodash na pinadala ng aktres imbes na ang tunay na may-ari ng bahay na si hunky actor nga, report ng PA ng aktres sa kanya pag-uwi.

Tinawagan pa raw ng aktres ang hunky actor para itanong kung natanggap niya ba ang pinadalang lapyok na kinumpirama naman ng huli.

Actually, si hunky actor, para siyang ulam sa sarap! Wa kyems! Common ang first name ng singer-actor at may ka-apelyidong santo. At ang nalokang aktres sa nadiskubre niya ay magaling sa diskarte.

Pinoy Parazzi

About the Author

has written 5562 stories on this site.

loading...

One thought on “Regine Angeles, nagbabadad sa condo ng male starlet! – Francis Simeon

Leave a Reply

Your email address will not be published.