Regine Angeles and Felix Roco, in a relationship?

SA ISANG EVENT na dinaluhan namin noong nakaraang linggo, nagulat kami ng dumating na magka-holding hands sina Regine Angeles at Felix Roco. Nang makita kami ni Regine, biglang bitaw naman nito sa kamay ni Felix at nagmamadaling pumasok sa loob ng venue.

Nang akma naming silang susundan, hinila ni Regine si Felix papasok sa loob. Hindi na kami nagtangka pang habulin sila baka ayaw pa nilang ipaalam sa publiko na sila na nga. O, baka naman nasa dating stage pa lamang sila at ayaw nilang pag-usapan kung anuman ang namamagitan sa kanilang relasyon sa ngayon.

 

NAGSANGA-SANGA NA ANG kuwento tungkol sa isyung bumabalot ngayon between Andi Eigenmann at Albie Casiño. After kasing nagpahayag ng kanyang saloobin ang ama ni Andi na si Mark Gil sa panayam nito sa The Buzz last Sunday, hindi pa rin naringgan nang anumang pahayag ang kampo ni Albie.

Hindi man direktang pina-ngalanan ni Mark si Albie bilang ama ng ipinagbubuntis ni Andi, marami naman ang nagsasabi at nagpahayag ng opinyon na ang dating boyfriend of two years nga ng anak ang tinutukoy nito. Marami naman ang nag-aabang sa statement o anumang pahayag mula kay Albie o maging sa mga kapamilya nito, pero hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung bakit patuloy na nanahimik ang kanilang kampo.

May mga nagtsika pa nga sa amin na umalis na raw nang bansa si Albie, pero pinabulaanan naman ito nang nakausap naming malapit na kamag-anak ni Albie. Nandito lang daw ito sa bansa at kasalukuyang may ginagawang proyekto para sa isang show.

Hanggang kailan kaya mana-natiling tikom ang panig nina Albie? Manatili na lamang kaya itong palaisipan nang sambayanan? Sana dumating ang araw na kahit papaano ay may ilalabas na pahayag ang kanilang kampo upang malinawan kahit papaano ang patuloy na lumalalang isyu at katanungang si Albie nga ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Andi?

Abangan na lamang natin ang susunod na kabanata ng kuwentong ito.

 

PINILI NAMING MAG-PROGRAMA sa radyo noong Miyerkules, July 13, kaysa dumalo at makiusyoso sa gaganaping second barangay hearing sa reklamong isinampa nina May Cachuela at Camille Acojeda sa Barangay Poblacion sa Makati kaugnay sa diumano’y pananakit sa kanila nang magaling na aktres na si Maricel Soriano.

Matatandaang hindi sinipot ni Maria ang naunang nakatakdang paghaharap sana nila sa baran-gay noong July 6, 2011 sa ‘di malamang kadahilanan.

At noong Miyerkules nga, hindi pa rin sinipot ng Diamond Star o kahit representative niya ang ipinatawag na pangalawang pagdinig sana sa barangay level ng reklamo. At dahil nga sa pagiging no-show pa rin ng aktres, nakapag-desisyon na diumano ang dalawang dating kasambahay nito na maghanap na ng abogado at sasampahan na raw nila ng kaukulang kaso si Maria.

Sana lang sa pangatlong pagdinig ay magpakita na si Maricel upang maplantsa pa sana ang anumang gusot na namamagitan sa kanya at sa kanyang dating mga kasambahay.

 

BUKAS NA ANG nakatakdang gala premiere ng Cinemalaya entry na Patikul. Dadalo ang lahat ng artistang kasali sa pelikula at ang bida nitong si Marvin Agustin at ang director nitong si Joel Lamangan.

Alamin natin ang kahalagahan ng edukasyon na ipinapakita ng mga kabataang lumaki sa Patikul, Sulu, na alam nating nasa gitna ng digmaan.

Sa mga bumubuo nang pelikula, congrats sa isang magandang proyekto na tiyak na kapupulutan ng aral.

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Related Post

loading...

4 thoughts on “Regine Angeles and Felix Roco, in a relationship?

Leave a Reply

Your email address will not be published.