Regalo ni Jake Cuenca kay Melissa Ricks, lume-level-up na

Lume-level-up na ang mga regalo ni Jake Cuenca sa napapabalita niyang girlfriend na si Melissa Ricks. Kung noon ay mga roses at pagkain ang ibinibigay niya kay Melissa, ngayon naman ay may balitang binigyan raw niya ng isang purple Balenciaga handbag ang young actress na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P100,000.

If the rumor is true, does it mean that Jake and Melissa are really in a romantic relationship? Kung binigyan ni Jake ng isang mamahaling handbag si Melissa, hindi ba’t ito ay nangangahulugan that she is special to him?

Nagiging malaking palaisipan tuloy ang kontrobersiyal na regalong ito. Although Jake confirmed about his expensive gift ay naging matipid naman ang kanyang naging pahayag. “Huwag ako ang tanungin ninyo diyan. Kasi siyempre special friend siya. She’s very special to me and she deserves something like that.”

Siyempre hindi rin pinalagpas ng The Buzz na tanungin si Melissa when she was cornered during the taping of her series Tanging Yaman. “Natuwa ako dahil ang ganda noong bigay niya at ‘di ko naman inaasahan na ibibigay niya. Kung anuman iyon siguro sa amin na lang iyon saka ang dami nang lumalabas na mga tsismis, so ayoko nang palakihin pa.” Pero maikakaila pa ba niya ang Balenciaga handbag na huling-huling dala niya sa set ng teleserye?

Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang pagkakaibigan ng dalawa. “I’m thankful that Jake is my friend. He’s a very good friend. Mabait siya sa akin at parati niya akong naaalala. Iyong lovelife, tsismis – secondary na iyan. Sa akin trabaho muna,” Melissa said.

“We’re taking it slow. Marami siyang trabaho. Ako rin maraming inaasikaso, pero special siya sa akin. She’s a very special girl. Malaking bagay siya na nagpapaligaya sa akin ngayon,” pahayag naman ni Jake.

Deny rito, deny roon. Ito ang kadalasang ginagawa ng mga artista kapag may balita tungkol sa kanila na ayaw nilang malantad sa publiko. Ang ilan ay totoo, ang iba naman ay kathang-isip lamang. But there are also actors who face issues fair and square. Kaya dapat ay matalas ang iyong isip, malinaw ang iyong mga mata, malakas ang iyong pang-amoy at pandinig sa mundo ng showbiz. You have to read between the lines pero gaya ng madalas sabihin, “Action speaks louder than words.” At kahit gaano mo idenay ang isang balita ay lalabas din ang katotohanan pagdating ng araw.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

13 thoughts on “Regalo ni Jake Cuenca kay Melissa Ricks, lume-level-up na

  1. tito boy at ate kris idiol ko kayo kaya supporta ako ky ate kris at ang talagang mali dito ay c ruffa……………………kaya gogogo……………………..love you all muaahhhh……………………

  2. kaya nga ba ganon na lang kung sumipsip ang mga abs talents/stars kay kris……..di nila magawang awayin at tarayan bec. they know she is powerful in abs territory so don’t say na sino ba nman si kris ksi sya lng nman ang anak ng nagbalik ng abs-cbn to the lopezes and in pinoy culture “utang na loob” means a LOT!

  3. oh please, si kris lang nman ay reyna-reynahan ng abs….bakit kamo?…..did u guys already forget who gave back abs-cbn to the lopezes?…..who else but ang nasirang Cory Aquino na nanay lang nman ni kris na lukring so hello, it doesn’t take a freaking genius to figure out na naturalmente malaki ang shares of stocks ng pamilya ni Kris sa abs w/c makes her a majority stockholder/part owner of abs…….I’m sure that’s what the lopezes did as a gesture of appreciation for what Cory has done for them……utang na loob, ika nga! Kya nga ba ganon na lang kalakas si kris sa abs & she got all those shows, may teleserye pa kahit super bano nman sa acting as in no acting talent at all….go figure:)

    • Kaya siguro hindi magawang suportahan ng inbred network si Noli, ‘no? Solid Aquino sila.

  4. Tito Boy, pakisabi kay Kris na sumikat nga siya dahil marunong siyang magsalita, at nauuto niya ang karamihan sa mga pinoy dahil nga witty siya. Pero I strongly disagree sa kanyang tweeter na humble siya. Action speaks louder than words. Kung akala niya ngayon ay Binebless pa siya dahil sa kanyang mga edorsements and work, eh alalahanin ni Miss Kris na ” The World has not stopped here”. Kung talagang sincere siya sa pagtulong sa kanyang kapatid na si Noynoy, bakit kaya bawas bawasan niya ang pagkamaldita niya at wag magmaliit nang mga tao. Babalik din sa kanya yan kung di man ngayon, mangyayari din. I used to like her kaya lang talagang mayabang siya. As if she will always remain on top. Masama yan!

  5. tma po c big daddy…ska kung maka tingin c kris kay ruffa mula ulo hanggang paa!!!d nerve!!wla b xa tiwala sa beauty nya?masaya pa naman ang program nyo pero dahil sa rude na ugali ni kris nagmumukha tuloy xang matapobre…alam namin na pti ikaw e binabara ni kris pero nagtitimpi ka din kaya lalo yang umaabuso dahil sa pag-tolerate nyo sa kanya…

  6. We would like to hear a worthy editorial piece on the ruffa – kris bruhahah; one that is not bias as being written by manay lolit and ronnie carasco and the likes.

    So viewers would know what to replicate in life.

    any good manners to learn from the incident.

    • He Just trying to be neutral , he better not to talk .. less talk less mistakes .. and who knows if he’s preaching Kris Aquino off cam .. nobody knows .. so stop jumping into a conclusion na takot sya ke kris .. who is kris aquino for boy abunda anyways ? Wala pang Kris Aquino , Boy ABunda na sya noh .. mag isip ka nga ..

  7. Big Daddy , maski kami dito sa Cebu solid kapamilya kami at nanood kami lingo lingo ng the buzz , oo masyadong taklesa si kris sa mga opinion nya, eh ganun naman palang dapat kumayod nyang si Ruffa eh bakit ayaw nya makipag sabayan sa intelligence ni Kris at Boy Abunda ,, sa totoo lang napaka lame ni Ruffa, walang kabuhay buhay, naturingang matalino walang kwenta mag bigay ng opinion, magsasalita lang ng konti tapos wala na, para syang flower vase ng show , look what happened at ruffa & Ai ? feeling kase ni Ruffa nasa Beauty Pageant pa sya at kailangan nya mag paka demure , ayaw mag paka totoo parang laging mas importante na anu hitsura nya sa TV . eh nag kakabuhay nga ang the Buzz dahil lang sa dalawang host ( Boy & Kris ) Si kris Aquino Ganyan na yan , kaya nga tinaguriang Queen of Media yan eh dahil sa pagiging taklesa at kahit naman taklesa may class at breeding pa din ang dating , Si Ruffa dapat ang mag bago ng strategy , wag puro posing lang ang alam nya gusto namin si Ruffa dahil may breeding sya di gaya ng nanay nya, pero Ikaw ba manonood ka ng isang show na walang kabuhay buhay ang host ? Dapat yang si Annabel ang magbawas ng katalasan ng dila pra sa mga anak nya, dahill kung tingin mo nakakasira si kris sa pamilya nya , por dyos por santo eh di lalo na si Annabel Rama..

  8. To Tito Boy,

    Sana magkaroon ka ng oras na basahin ito, kasi alam ko, ikaw lang ang may pinakamalawak na pag-iisip sa inyong tatlo dyan, at alam ko, very FAIR ka sa lahat ng bagay, IDOL nga kita eh, You’re almost perfect! (kasi di ba, wala namang perpekto sa mundo?

    Para sa mga nagtatanggol kay Kris, WALA KAMING PINAPANIGAN, INUULIT KO, WALA KAMING PINAPANIGAN. Eto lang ang aming opinyon…

    KAMI, SOLID KAPAMILYA kami dito, wala kaming ibang pipanood kundi Kapamilya Shows. Kung nanonood kayo ng The Buzz every Sunday, siguradong alam n’yo na kung bakit nag walk out si Ruffa. Sa Linggo linggo ba namang pambabara at panghihiya ni Kris kay Ruffa on national TV (at buong mundo -TFC), e ikaw man si Ruffa, mapupuno ka! Nandun na tayo sa paglipat n’ya sa TV5, Syempre, noon, walang magawa si Ruffa dahil kailangan nyang kumayod para sa mga anak nya. Natural, dahil sa trabaho, lulunukin lahat ni Ruffa ang mga panghihiyang ginagawa ni Kris sa kanya. E kaya ngayong meron na siyang lilipatang trabaho, may lakas na ng loob si Ruffa na mag react. Para din tayo yan, kung hindi natin gusto ang amo natin sa pinagta trabahuhan nating kumpanya, hindi tayo kumikibo dahil wala pa tayong malilipatang trabaho, ngayon kung mnakakita na tayo ng malilipatang trabaho, medyo malakas na ang ating loob na mangatwiran sa ating amo, di ba? Ganun din ang nagngyari kay Ruffa. Nakuha nyo ang punto ko?

    Kaya sana, magsilbing leksiyon kay Kris na hindi lahat ng oras ay “MOMENT” nya. MAGBAGO ka na Miss Kris Aquino… mabait ka naman, generous pa, pero talagang may “KATALASAN” yang dila mo, yan lang naman ang problema sa’yo, matalino ka pa naman, kaya, para na rin sa pamilya mo at kay Noynoy, magbago ka na… Payong kapatid lang…

    Salamat Tito Boy.

Leave a Reply

Your email address will not be published.