Reg. 4-A PNP Director; Iba Pa, Sinibak

PINASIBAK NI Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III kay Interior Secretary Mar Roxas si Region 4-A regional police director C/Supt. James Melad at lahat na mga pulis  na may kaugnayan sa nangyaring insidente sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 13 katao.

Ayon kay Roxas, layunin nitong magkaroon ng patas at kapani-paniwalang resulta ng pagsisiyasat.

Isa rin sa mga dahilan ng pagsibak sa naturang mga pulis ay ang pagkakapatay sa pinaniniwalaang dating empleyado ni Vic Siman na nakilalang si Fernando “Pandoy” Morales sa may San Juan, Batangas.

Sinabi ni Roxas na kuwestiyunable ang pagsilbi ng warrant of arrest sa biktimang si Morales kamakalawa ng mada-ling-araw.

Nabatid na isinilbi ang naturang warrant of arrest kay Morales dahil sa kasong illegal possession of firearms.

Una nang sinabi ng Palasyo na agad sisibakin ang sinumang opisyal ng PNP sa Quezon province na hindi makikipagtulungan sa NBI sa ginagawang pagsisiyasat sa Atimonan incident.

Sa harap ito ng napabalitang pagtanggi ni Supt. Hansel Marantan na masuri ng mga im-bestigador ang mga tinamong sugat at pagtanggi ng mga Quezon police officials na makipagtulu-ngan sa imbestigasyon.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, hindi magdadalawang-isip si DILG Sec. Mar Roxas na sibakin ang opisyal na magmamatigas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.