Redford White, wala sa ospital at mukhang walang sakit!

ISINILEBREYT PA RIN ni Lorna Tolentino ang birthday ni Rudy Fernandez nu’ng kamakalawa at kung buhay pa sana si Daboy, bale 58 years old na siya.

Mga malalapit na kaibigan lang at pamilya ang dumalo sa konting salu-salo ni LT sa bahay nila sa White Plains.

Bago iyan, nagpamisa muna ito sa may musoleo ni Daboy sa Heritage Memorial Park at tumuloy sa bahay nila para mag-dinner.

Siyempre nandu’n ang mga malalapit na kaibigan pero ang ikinagulat ko, hindi pa rin nakalimot ang mga nakatrabaho niya na malapit sa kanya gaya ni Direk Joe Carreon.

Hanggang ngayon hindi pa rin naayos ni LT ang mga gamit ni Daboy sa kuwarto nila at nand’un lang ito, hindi pa rin nagagalaw.

Ang balak daw niya, kapag ayos na ayos na ang musoleo, doon na raw niya dadalhin ang mga gamit ni Daboy para maayos na ito. Pero hindi pa rin yata niya kayang galawin, dahil tingin ko kay LT parang sariwa pa rin sa kanya ang pagkamatay ni Rudy.

Ilang beses na nga itong tinatanong ng mga reporter kung tumatanggap na ba siya ng mga manliligaw, hindi pa rin daw.

Sabi nito, unfair lang daw sa lalaking balak ligawan siya dahil lalo raw niyang naaalala si Daboy. Kaya tingin niya, mananatili na lang siyang biyuda at hindi na ito mag-aasawa.

Gusto pa rin niyang ituloy ang balak niyang bumili ng bahay na lilipatan nila ng dalawa niyang anak dahil sobrang laki na raw ng bahay nila sa White Plains para sa kanilang tatlo.

Balak na lang nitong ibenta ang bahay nila sa White Plains, pero ewan ko naman kung kailan pa niya maibebenta iyan.

SA SABADO NAMAN ay one year na ring sumakabilang buhay si Francis Magalona.

Parang ang bilis ng mga pangyayari, isang taon na pala ang lumipas.

Abangan n’yo sa Startalk sa Sabado dahil guest namin si Pia Magalona at ang anak niyang sina Maxene at Saab Magalona.

May mga isyung sasagutin si Pia tungkol sa ni-record na album nina Francis at Ely Buendia, dahil hindi pa rin pala ito nai-release hanggang ngayon.

Ano kaya ang problema? Tumanggap na nga ito ng award sa Myx Awards nu’ng nakaraang Martes at si Saab pa ang nandu’n para tanggapin ang award.

Sa Sabado, magpapamisa raw sila sa hapon at meron daw silang party cum concert sa Club Dredd na dadaluhan ng mga malalapit na kaibigan ni Francis.

NABIGLA NAMAN AKO sa kuwento sa akin ni Jopay Manago ng Startalk na nakita raw niya sa The Fort ang komedyanteng si Redford White.

‘Di ba binalita pa nga ito ni Tita Swarding na nakaratay daw ito sa sakit na cancer?

Nakita nga ni Jopay at ng Startalk crew si Redford na kumakain daw sa isang pizza parlor.

Ang lakas naman daw nito at mukhang wala namang sakit.

Tumanggi lang magpa-interview si Redford dahil matagal na raw siyang wala sa showbiz at nabigla rin nga raw siya sa kumalat na balitang ‘yun.

Pero ayaw na raw niyang patulan ito dahil wala naman daw siya sa showbiz kaya hayaan na lang daw ito.

May ibang pinagkakaabalahan ngayon si Redford na may kinalaman yata sa relihiyon nila.

Wala na raw siyang balak na bumalik sa pag-aartista.

Mabuti na lang, hindi namin pinatulan ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado dahil gusto na nga sanang ibalita iyan ni Butch Francisco nu’n.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Redford White, wala sa ospital at mukhang walang sakit!

  1. Ano ba naman kasi ‘yang si Swarding? Ba’t aanak-anak, eh, ginawa nga ang mga bakla para kontrolin ang populasyon, ‘no? lol

  2. nakuryente na naman si multong baklang swarding!

    tanggalin na yang si swarding dito sa parazzi. nakakababa ng credibility ninyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published.