Redford White, totoong nagpatingin sa St. Luke’s!

OLA CHIKKA! NAPAKAINIT ng ating Martes sa mga hindi mapigilang mga chismax to the maximum authority of chismis, at unang una rito ang isyu tungkol sa komedyanteng si Redford White. Kung inyong matatandaan, naisulat ko siya rito sa Pinoy Parazzi upang linawin ang napabalitang meron daw siyang sakit na kanser. Noong linggo ay nilinaw ng handler ni Redford na si Simon na hindi raw naka-confine itong si Redford.

Dahil sa wala namang ipinakitang footage o kahit voice clip man lang ni Redford sa The Buzz, hindi pa rin natigil ang inyong Tita Swarding upang alamin ang totoong pangyayari. Humingi ako sa segment writer ng contact ng kampo ni Redford at ibinigay sa akin ang number ni Simon. Kahapon sa programa namin ng aking co-host na si Michelle sa DWBL, pinagbigyan naman kaming ma-interview ang handler ni Redford at doon ay nilinaw ang isyu tungkol sa karamdaman ng kanyang alaga.

Ayon kay Simon, totoo ngang nagpunta sila sa St. Luke’s ni Redford upang magpa-check up ngunit hindi ito na-confine.

Nang tanungin ko kung ano’ng sakit ng komedyante ay hindi niya sinabi at hindi rin nagsalita man lang kung malala man o hindi. Wala siyang nabanggit dahil ang gusto ng kampo ni Redford ay manatili na ngang pribado ang buhay niya dahil hindi na siya babalik ng showbiz.

Say n’yo? Say ko?! Mabuting nalinaw na ang isyung ito dahil hindi naman pinagdidiinan ng beauty ko na naka-confine siya sa St. Luke’s. Kung matatandaan n’yo ay nagtanong lamang ako at ngayong nanggaling na sa mismong handler niya na talagang hindi na-confine itong si Redford ay hayaan na lamang natin ang komedyante na mamuhay nang pribado gaya ng nais niya. Bonggacious!

AT DAHIL TAPOS na ang isyu nitong kay Redford ay lumabas naman mula sa aking parazzi girl ang katuwa-tuwang chikka na itong si Keanna Reeves ay hindi lamang katawan ang peke sa kanya dahil sa pagpaparetoke niya. Maging ang edad ay pineke niya rin nang sabihing bente-sais lamang siya ngunit forty plus na pala. Nang sabihing single siya ngunit may dalawa ng anak at ngayon naman, ang kanyang screen name ay hindi rin orihinal. Malamang mula sa Hollywood actor

‘yun, eh! Ngunit dito sa Pilipinas ay pangalawa lamang siya na gumamit ng pangalang iyon.

Isang nursing student at talaga namang napakaganda at fresh na fresh pa ang batang ito na unang nagmamay-ari ng pangalan nito na ginamit ng 1st celebrity winner ng Pinoy Big Brother.

Sa murang edad ay nag-concentrate muna itong si “Khianna Reeves” sa kanyang pag-aaral at ngayong matured na siya ay hindi siya makapapayag na angkinin ang kanyang pangalan. Sino siya?! Eh, ‘di si Khianna Reeves nga!

Pero ‘wag palinlang dahil hindi siya lumabas upang kalabanin itong si Keanna. Ang nais lamang niya ay makilalang unang “Khianna Reeves” ng Pilipinas. Ha-ha! Itanong n’yo kung sino ang ka-level nitong si Khianna… Kung iniisip n’yong Keanna ng PBB ay nagkakamali kayo, pero almost malapit na dahil mula rin sa PBB… walang iba kung hindi ang bestfriend niya na si BB Gandang Hari… Bhuket?! It’s for me to know and for you to find out! Ha-ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong hunk actor na talaga namang napaka-yummy pero once magsalita ay iniiwanan na ng kausap. Bhuket?! Dahil gaano man siya kapapabol ay ganu’n naman ka-turn off ang pagsasalita niya dahil sa trying hard daw sa pag-i-English.

Naku, huh, Papabol! Kung may isang tao rito na may karapatang mag-carabao English, walang iba kundi ako! Ha-ha!  Deadma na sa pag-English para hindi masira ang career. Kung ang mga Fil-am nga, ‘pag nakausap mo ay hard Tagalog maintindihan lang sila ng mga Pinoy, kaya ‘wag ka nang mag-hard English para may kumausap sa ‘yo.

Sino itong hunk actor na bagsak pagdating sa English? Balita ko ay singer na raw siya at talaga namang beautiful in our eyes. Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Redford White, totoong nagpatingin sa St. Luke’s!

  1. hindi na blind item yung kay jericho.. alam na sa buong bansa, pati mga pilipino sa abroad na trying hard siya magenglish na kahit tagalog ang pagtatanong english ang sagot niya.. pero bakit kailangan pa ungkatin uli yan? tapos na ang issue na yan swarding!!!

  2. Kya hindi umaasenso ang pilipinas e dhil kramihan katulad m swarding na dugyot! E ano nman Kung Mali Mali ang englis, dito kc s pilipinas pg kaunring mli lng pinagtatawanan, e sa ibng bnsa e mga baguhng Pilipino di rin nman ganun kgaling mag englis pero dhil s kakasalita Nila at kapapraktis Kya nagiging bihasa Sila ika nga ‘practice makes perfect’ imbes n icorrect ntin ang mga nagkakamali lalo natin clang dinadown Kya wlng asenso. Kc karamihan s atin gusto cla LNG ang magaling. At least si jerico nag tatry mag englis at asenso xa at gwapo, di tuld mo swarding pra kng pinagtakloban ng lngit at lupa sa hitsura mo! Cnungaling kapa, bwisit!

    • Di wag nga muna siyang mag-english in public at nang hindi mapahiya, ‘no? Praktis muna siya makipag-usap sa mga foreigner gamit ang webcam.

Leave a Reply

Your email address will not be published.