Redford White, matagal nang naka-confine sa ospital dahil sa kanser?!

OLA CHIKKA! TALAGANG naloka ako sa nasagap na chika ng aking parazzi girl dahil kamakailan lang ay napadpad siya sa St. Luke’s Medical Hospital at doon niya napag-alaman na ang balita raw roon ay matagal nang naka-confine itong napakagaling na komedyante na si Redford White sa sakit na kanser. Until now ay clueless pa rin kami dahil wala kaming masagap na mas bonggang chika rito, dahil nananatiling confidential ang issue na ni-request daw mismo ng pamilya niya.

Hindi natin matukoy kung ano ang talagang sakit niya at kung kailan pa siya nandu’n sa St. Luke’s kaya naman nananawagan ako sa pamilya ni si Redford White na kung totoo man o hindi ang balita, sana ay pakilinaw ito upang maliwanagan ang mga tao at makatulong sa kanyang kalagayan.

NAKALULUNGKOT MAN ANG una kong balita ngunit hindi na kayo dapat ma-sad pa dahil ngayon ay ipi-present ko na ang aming bonggacious na programa sa DWBL. Araw-araw ay bubulabugin namin ang umaga n’yo sa mga maiinit na chismax to the maximum authority of chismis at fresh na fresh na mga chika hindi lamang sa showbiz industry kundi maging sa politics, health, entertainment at kung anu-ano pa. Anything goes under the sun, tiyak na walang kawala sa aming mga makabuluhan at katatawanang mga komento na talaga namang bubuhay sa inyong diwa!

Kasama ang aking sosyalerang co-host na si Michelle na halos tawagin nang “2nd Lea Salonga” dahil sa ganda ng boses at galing sa pagkanta, kahit itanong n’yo pa kay Direk Neil “Buboy” Tan ‘yan. Nagtapos bilang cum laude sa UST Conservatory of Music at sumailalim sa pagkabonggang-bonggang training sa Chicago at California, say n’yo?! Say ko? No doubt na isa talaga siyang US-licensed teacher at ngayon ay umaarangkada ang career bilang isang radio broadcaster. Bonggacious!

Kaya naman ‘wag n’yo po kaming kalimutang pakinggan sa DWBL 1242 khz or log on to http://dwbl-am.mellow947.fm tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 to 9 A.M.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Sino itong dalawang reyna raw sa kanilang mga linya tulad ng pag-arte at pagkanta na feel na feel ang pagbubuntis nila? Damang-damang preggy ang drama nila kesyo masaya sa mga lablayp nila.

Pero ‘day, hindi kaya nagpi-feeling lang sila? Dahil ayon sa aking parazzi girl, mahihirapan na silang magkaanak. Mashushunda na kasi sila as in gurangers na, kaya ‘di na kayang mag-produce ng baby. Buti pa ako, hindi tumatanda kaya ayan naka-anim tuloy! Ha-ha! Yuck!

Sige hintay tayo less than nine months ‘pag may lumabas, eh, ‘di… CONGRATULATIONS!

Sino itong dalawang feelingerang buntis? Kain kayo ng monay tsaka magparetoke ka ng halos buong katawan mo habang umaawit. Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

12 thoughts on “Redford White, matagal nang naka-confine sa ospital dahil sa kanser?!

  1. HOY TANGNAMUNG BAKLA KA!!! WALA NMAN PALANG SAKIT C REDFORD WHITE!! PURO KA IMBENTUHAN LNG ANG MGA PINAGSUSULAT MO!! ULUL!! KABAYONG ADIK!! GAGO!!

    • ULOL. Tang ina mo confirm na ang balita sumakabilang buhay na si Redford White. Tang ina mo ikaw pala ang sinungaling. ULOL

    • march 2010 pa itong sinulat ni tita swarding. then redford white died today, july 25, 2010.

      totoo yung sinulat ni tita swarding.

    • Ikaw pala ang adik Mark Anthony, di mo ba alam na kahit ganyan ang idol kong Tita Swarding …..may credibility iyan sa pagsusulat. Ngayon sino ang kabayo, sinungaling at adik…di ba ikaw? Pahiya ka ano……

  2. Kung dati panay tira neto kay Willie..nung masungalngalan ng envelope sa bunganga naging guardian angel kaagad ni willie…tsk..tsk..tsk..ang nagagawa nga naman ng pera..KADIRI!!!!!!

  3. si juday at regine ang mga ito. si juday bata pa at posible pang magka anak e itong si regine nako, mahihirapan na ito.

    • wala pa naman cuarenta si regine. Dito nga sa u.s. kahit na over 40 ay nagkakaanak pa at cgurado akong can afford siya kung talagang gugustuhin niya.

  4. omg sa balita tungkol kay redford white kc nagpaligaya xa ng people b4 sana matulungan naman xa nina
    Vic Sotto na napakinabangan naman nila si Redford White kaya sana humingi na ng tulong ang family nia baka nahihiya lang ang family feel sorry talaga gusto ko xang komedyante

Leave a Reply

Your email address will not be published.