Red De La Cruz: Latest Hottie ng Social Media

Red-dela-Cruz SA AKING pagkakaalam marami ang magaganda sa personal, pero ‘pag kinunan na ng camera, hindi photogenic dahil sa facial contours. Pero iba itong bagong tuklas ng RED Magazine. Kahit hindi siya kaputian o isang kayumanggi, iba ang dating niya kapag nilapatan na ng lens ng camera.

Sa una pa lamang ay umarangkada na sa interview ng mga press at media people ang pinag-uusapang  cover girl ng RED Magazine. Tinanong siya kung ano ang lamang niya sa ibang cover girls. Sinabi niyang siya ang black hottest cover girl.

“Siyempre black is beauty…” tugon niya. Hindi marahil dahil tinagurian black ang Pinay superstar ng pagrampa at cover girl ay maitim lang siya, kundi isa siyang morena.

Tinanong pa rin siya kung ano ang kanyang ginagawa at na maintain niya ang hubog ng kanyang seksing katawan? “S’yempre balance diet… hindi man araw-araw ay twice a day.”

Sa ngayon ay napabalitang halos sold out na ang kanyang magazine. Nataon naman na Red Magazine din ang nag-launch sa kanya na makatutulong lalo sa pausbong niyang career. Kanino siya engage? “Yes I’m engaged sa Red Army.” Sabay  halakhak .

Isang mala-diyosa na umakit at umagaw ng pansin sa kaseksihan at kagandahan na pinagpantantasyahan ng mga kalalakihan. Kabigha-bighani ang pabalat ng Red Magazine sa kanya na halos ay sold out na ang copies sa mga convenient stores at magazine booths and outlets. Ako man ay inagawan niya ang pansin at madali kong kinontak si Jeff  Hernaez. Say ni Jeff. Oo, maganda siya at black beauty.

Sa aking panayam sa kanya, malaking tulong ito sa kanyang mga magulang at mga kapatid lalo’t may offer sa kanya sa London na mga project. Para sa akin, ang nudity hindi naman masagwa kundi isang artistikong pamamaraan ng potopograpiya.

Red-dela-Cruz-Maestro-OrobiaThird year college na siya nang nag-stop siya upang pagbigyan ang kanyang career bilang cover girl at pagrampa sa stage. Dagdag pa niya, ang mga fans niya ang nagpapalakas ng kanyang loob upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho, lalo’t nang araw na iyon ay nandoon ang kanyang fans na Red Armies.

Mas gusto na niya ang  kanyang katayuan sa buhay ngayon, dagdag pa niya. Ang kanyang love life ay tinanong ko kung okey ba sa kanya ang Pinoy at walang gatol ang sagot niyang, “Mas foreigner ang gusto ko.” Sabay ngiti nang may pagkapilya.

Naks, sa bagay, isang malaking opportunity nga naman lalo’t doon na siya matitigil sa London dahil sa mga offer sa kanya. May sasakyan na ba si Ms. Red? Napangiting sagot niya, “Mazda lang, tiyaga lang talaga. Meron na po na kaming bahay.”

Halimbawa may nag-offer sa ‘yo bilang artista? Ang sabi niya, “Go! Why not?”

Maganda ang kanyang projection sa pictorial at pagtanggap sa visual media. Abangan na lang natin sa susunod ang umuusbong na carrer ng nasabing black beauty.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

 

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp@yahoo.com

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.