Red Day protest, suporta kay Corona

 

MULING IPINAKITA ng mga taga-suporta ni Chief Justice Renato Corona ang kanilang puwersa sa pagdiriwang ng ikalawang taon nito bilang punong mahistrado.

Pinangunahan ni Corona ang programa sa pamamagitan ng misa na idinaos sa Supreme Court centennial building sa lungsod ng Maynila.

Pinuno naman ng SC employees at urban poor group ang quadrangle ng naturang venue, habang humabol naman ang ilang magsasaka ng Hacienda Luisita.

Ayon kay Jojo Guerrero ng SC Employees Association, naka-red day protest sila kahapon upang labanan ang panggigipit umano sa korte at mga personal na atake sa punong ma-histrado.

Karamihan sa mga empleyado ng hukuman ay nakasuot ng damit na kulay pula, habang nagkalat din ang sticker na may katagang “Acquit CJ Corona”.

Inamin naman nito na may posibilidad na magdeklara sila ng court holiday sa mga susunod na araw, partikular na sa pagsalang ni Corona sa witness stand subalit wala pa silang pinal na desisyon ukol dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.