Red Cross official, inireklamo ng katiwalian

MAINIT ANG banggaan sa pagitan ng ilang opisyal ng Philippine Red Cross (PRC).

Inaakusahan ni Red Cross Governor Rosa Rosal ang kanilang secretary general na si Gwendolyn Pang ng katiwalian sa paggamit ng P200 milyong pondo.

Sinasabing naghain pa ang opisyal ng pormal na reklamo sa Board of Governors ng PRC.

Pero sa panig ng akusado, sinabi nitong malisyoso ang nabanggit na reklamo at isang malaking paninira lamang.

Handa rin umano siyang linawin ang lahat ng isyu ukol dito sa pagdating ng tamang panahon.

Samantala, sinabi ni Secretary to the Board Corazon Alma-de Leon na posibleng nagkaroon lamang dito ng kalituhan at inaasahan nilang ma-reresolba ito sa darating na mga araw.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.