RED CARPET PREMIER NG THREE WORDS TO FOREVER, WAGING-WAGI

Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo and Mayor Richard Gomez

SUPER SUCCESSFUL ang isinagawang celebrity red carpet premiere ng pelikulang Three Word to Forever last night, Tuesday, November 27 sa SM Megamall.

Complete ang casting na dumalo. Present syempre sina Megastar Sharon Cuneta at Ormoc City Mayor Richard Gomez with their “daughter” Kathryn Bernardo, Liza Lorena, Joross Gamboa at Tommy Esguerra. Sayang at absent si Freddie Webb na after mag-shooting ng pelikula ay nagkasakit.

Frankie Pangilinan and Juliana Gomez

Star studded ang celebrity premiere kung saan sinuportahan naman ng dalaga ni Mega na si Frankie at unica hija nina Mayor Goma at CW Lucy Torres na si Juliana Gomez kasama ang mga celebrity friends ng mga artista sa pelikula. Sayang at absent ang loving wife ni Mayor Goma.

Syempre, special guest and escort ni Kathryn ang boyfriend na si Daniel Padilla na all-out ang suporta sa dalaga (as always).

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo

At the preem, nabalitaan namin na sasama si Daniel sa trip ng kanyang girlfriend na aalis bukas, Thursday, November 29 papuntang Los Angeles, California para dumalo sa panimula ng global screening ng pelikulang Three Words to Forever na segue na rin sa bakasyon ng dalawa.

Direk Cathy Garcia-Molina, Kathryn Bernardo, Sharon Cuneta and Richard Gomez

Dumalo sa preem ang mga showbiz friends ng cast at mga bossings ng Star Cinema at ABS-CBN like Olive Lamasan, Malou Santos and Carlo Katigbak,  Darren Espanto, Roi Vinzon kasama ang anak na si Isabella; Boom Labrusca and Desiree de Valle, The Voice Teens’ Jeremy Glinoga na dumalo to give support sa kanyang coach sa The Voice na si Mega, Direk Mae Cruz and Nikki Valdez.

Positive ang reviews ng mga nakapanood ng Three Words to Forever na marami ang nagkagusto sa family drama na handog ng Star Cinema sa bawat Pinoy families.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.