Red Alert, Itataas ng NDRRMC sa Pasukan

TINIYAK NG National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nakahanda na ang lahat ng ahensiya ng gobyerno sa muling pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo 4.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos, itataas nila ang red alert sa susunod na Lunes upang matiyak na makatutugon ang kanilang mga tauhan sakaling magkaroon ng problema sa pagbubukas ng klase.

Nagpulong na rin ang Inter-Agency Task Force na binuo upang ilatag ang kani-kanilang programa at paghahanda.

Pinangungunahan ito ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHEd), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Philippine National Police (PNP), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation and Communications (DOTC), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Philippine Coast Guard (PCG).

Samantala, walang na-

kikitang problema ang NDRRMC sa nalalapit na pasukan ng mga estudyante.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.