Recto: Beef Ipalit sa Pork

TATAWAGIN NANG ‘beef barrel’ sa halip na ‘pork barrel’ ang kontrobersiyal na priority development assistant fund.

Ito’ y kung masusunod ang ipinapanukala ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto hinggil sa mga protesta laban sa PDAF na mas kilala sa pork barrel.

Kamakailan ay ibinasura ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang PDAF dahil sa  mga anomalya at protesta laban dito.

Pero, dahil sa mga rally at protesta sa pork barrel, nagkaroon umano ng suliranin sa isang P26 bilyong item sa General Appropriations Act o pambansang badyet na nakalaan sa mga kasapi ng Kongreso, sa kung saan ilalagay ang pondong ito.

Iminumungkahi naman ng mambabatas na ang malaking bahagi ng P26 bilyon ay i-realign o ilagay sa tinatawag niyang BEEF o basic education enhancement fund na ayon sa kanya ay tutugon sa mga kakulangan sa sektor ng edukasyon.

Ayon pa kay Recto, kailangang maghanap ang Kongreso ng paraan para i-‘realign’ ang PDAF sa mga paaralan, computer, laboratory equipment at kahit kusina na magsisilbi ng pagkain sa mga malnourished na mag-aaral.

Idiniin din ng mambabatas na marami sa sektor ng edukasyon ang malaki ang kakulangan na kailangang tugunan.

Inihalimbawa ni Recto ang datos ng Department of Education na kalahati ng 38,503 public elementary school ang walang computer.

Kapos din aniya ang mga paaralan sa mga math at science laboratories.

Bukod din aniya na malnourishment ang maraming batang estudyante at ang kulang ang libraries at classroom.

“Mabubura ito sa binagong PDAF. Kaya kapag tinanong ng mga taxpayer ang Kongreso, nasaan ang pork? Makakasagot ito, narito ang BEEF,” ayon sa senador.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Recto: Beef Ipalit sa Pork

Leave a Reply

Your email address will not be published.