Recording Artist, Hinoldap na, Ginulpi pa

DUGUANG ISINUGOD sa pagamutan ang isang recording artist ng Viva Records na si Joseph Mendoza matapos siyang holdapin at bugbugin ng dalawang armadong suspek ng baril habang nagwi-withdraw ng pera sa ATM.

Nangyari ang naturang inisidente kahapon ng alas-4:00 ng madaling-araw sa Libertad St., Mandaluyong City.

Sinasabing nakuha ng mga suspek ang P20,000 cash ng biktima bukod pa sa mga importanteng papeles at card nito.

Samantala, nakipambuno pa ang driver ng biktima ngunit pareho pa rin silang nagtamo ng mga palo ng baril sa ulo at katawan.

Kasalukuyan namang nagpapagaling si Mendoza sa Potenciano Hospital sa nabanggit na lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.