Reconciliation, not a gimmick: Cristine Reyes believes Sarah Geronimo’s sincerity

SARAH GERONIMO AND Cristine Reyes have already reconciled at the backstage of ASAP Rocks pero hindi pa man nagtatagal ang kanilang pagbabati ay may panibagong intriga na namang ipinupukol sa dalawa. Ayon sa mga naglabasang balita ay publicity stunt lang daw ito para sa movie ni Sarah with Gerald Anderson, ang Catch Me… I’m in Love.

Pero sa aking palagay ay hindi na kailangan pa ng ganitong klase ng publicity gimik dahil maganda ang pelikula at subok na sa takilya sina Sarah at Ge-rald who proved their box-office powers in their respective movies. At sa katunayan ay isang certified blockbuster ang pelikula at patuloy na pinipilahan ng mga moviegoers ang kanilang first movie team-up.

Hindi siyempre pinalagpas ni Sarah ang intriga at nagsalita siya tungkol dito sa victory presscon ng kanyang pelikula. Mukhang matapang na si Sarah ngayon at sinasangga na ang mga intrigang kaliwa’t kanang ibinabato sa kanya. “Alam ko may mga taong ‘di ito maiintindihan at humihingi po ako ng pasensiya sa mga taong nagulat at nabigla sa naging desisyon ko. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng taong nagtanggol sa akin pero matagal ko na po itong gustong gawin at ‘di ko po sinasadya na maisabay ito sa pelikula. ‘Di ko po kayo mapi-please lahat. Pasensiya na po. Nirerespeto ko po ang opinion ng bawat isa,” sabi ni Sarah.

Binasag na rin sa wakas ni Rayver Cruz ang kanyang pananahimik at nagsalita na tungkol sa pagbabati ng dalawa. “Siyempre happy ako. Happy ako para sa aming lahat. Tapos na. Let’s just put it sa past na. Matagal na iyon. ‘Di na kailangan ibalik-balik pa.”

Lalong pinatindi ang intriga nang diumano’y pati si Cristine ay hindi raw naniniwalang bukal sa kalooban ni Sarah ang pagso-sorry. Pero ayon sa mga re-liable sources who are close to the sexy actress, taliwas sa mga lumabas na balita ay naniniwala raw si Cristine na sincere si Sarah sa paghingi ng tawad sa kanya.

Pinatunayan ito kamakailan ni Cristine nang magkaroon siya ng isang exclusive interview with Showbiz News Ngayon. Ipinaliwanag din niya why she kept silent tungkol sa kanilang pagbabati ni Sarah. “Ayaw ko ng masyadong showbiz. Huwag na nating haluan ng showbiz ang pagbabati namin kaya mas minabuti ko na huwag na munang magpa-interview,” sabi niya. Ang mahalaga raw ay tahimik na ang lahat. “Iwanan na po natin iyon doon. Maging masaya na lang po kayo para sa amin.”

If given the chance, will she watch Catch Me… I’m in Love with Rayver? “Napanood na siya ng mga pamangkin ko kasi favorite siya noon. ‘Pag nagkaroon ng time, siguro, kasi medyo busy. Hindi rin kami masyadong nagkikita ngayon.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

4 thoughts on “Reconciliation, not a gimmick: Cristine Reyes believes Sarah Geronimo’s sincerity

  1. Cge kau ng cge kakasalita about TV5? Ano ba yan! May channel bang ganyan? D2 kc sa amin sa cebu walang TV5. Mayroon iilan nanonood ng Kapuso pero talagang abs cbn lang ang aming tinatambayan. Baker king lang ang maganda doon at I heart you pare pero hindi pa rin kami solid kasi may imortal at green rose din ang abs na aming tinututukan. TV5 kau ng TV5 ano yun?

  2. PAKAWALA KA NA NAMAN NG ABS CBN VOIE! KUNG HINDI SIKAT ANG TV5, E BAKIT ALAM MO ANG MGA PALABAS NG TV 5? INGGIT KA LANG! WALA KA KASING OFFER! BWAHAHAHAHAHA!!! INGGITERA!!! KAKAININ MO LAHAT NG SINABI MO BALANG ARAW PAG NASA RUROK NA NG TAGUMPAY ANG TV5! WAG NA WAG KITANG MAKIKITA DUN HA VOIE!

  3. Dapat ang title ng TV show ni Cristy Fermin ay STARLET CONFESSIONS instead of Star COnfessions kasi di naman sikat ang mga artistang featured niya. Pati yung finalist ng Talentadong Pinoy ay pinatulan nya. Sabagay, sino naman ang pwede nya i-feature, eh lahat ng artista sa TV5 ay mga laos na nagsilipatan dahil walang career sa ABS at GMA. Ha, ha, ha……..

Leave a Reply

Your email address will not be published.