Rebelyon at Multiple Murder VS Misuari Group

KASONG REBELYON at multiple murder umano ang kakaharapin ng mga kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF)-Nur Misuari faction na nasa likod sa pagsalakay sa Zamboanga City.

Sinabi ni Interior Secretary Mar Roxas na inaasahan umanong maisasampa nila ang kaso sa loob ng 36 oras kapag natapos na ang pag-proseso sa mga naarestong salarin.

Naniniwala naman ang government security forces na nanatili pa rin sa Zamboanga City si Moro National Liberation Front Commander Habier Malik habang palipat-lipat lamang umano ito sa mga bahay-bahay.

Samantala, ayon kay crisis committee spokesperson at military information chief Lt/Col. Ramon Zagala, bagama’t tumanggi ang opisyal na magbigay ng timeline kung kailan matatapos ang standoff sa pagitan ng mga rebelde, pero tiniyak nito na malapit na nilang masukol ang mga kalaban.

“We believe that Commander Malik is still here in Zamboanga City and that now they are currently moving from house to house,” ani Zagala.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.