Rebelde, patay sa engkuwentro ng NPA at Phil. Army

PATAY ANG ISANG rebeldeng New People’s Army (NPA) nang magkasagupa ang tropa ng 402nd Infantry Brigade 4th Infantry Division (ID)  ng Philippine Army at humigit kumulang 15 NPA kahapon ng umaga sa  Barangay La Purisima, Prosperidad, Agusan del Sur.

Ayon kay Maj. Gen. Victor A. Felix, Commander of the 4th ID nagsasagawa ang kanilang tropa ng pagpapatrulya sa lugar nang makaengkuwentro ang mga rebelde mula sa Guerilla Front-19A kung saan tumagal ang bakbakan ng mahigit na sampung minuto bago nagsitakas ang mga kalaban na ikinamatay ng isa sa kanila.

Sinabi naman ni Army team leader Cpl. Eduardo C. Cenabre, bukod sa bangkay ng rebelde na hindi pa nakikilala, narekober din ng militar ang isang M-16 assault rifle.

Walang naiulat na nasugatan o napatay sa tropa ng pamahalaan. (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.