Rebelde patay sa bakbakan sa boundary ng SK at Davao del Sur

 

DAVAO DEL SUR – muling nakaiskor ang tropa ng pamahalaan laban sa komunistang teroristang New People’s Army (NPA) nang sumiklab ang labanan sa boundary ng bayan ng Columbio sa Sultan Kudarat at lalawigang ito.

Ayon kay Lt. Col. Alexis Noel Bravo, kumander ng 27th Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato, nagsimula ang bakbakan noon pang Linggo, kung saan nagpatuloy ito hanggang Lunes, June 6.

Nagpapatrolya ang mga militar sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Magsaysay nang makasagupa ang mga rebelde na mga tauhan umano ng isang alyas Ka Jing ng Front 72 ng NPA.

Sa nasabing labanan, isa ang tumimbuwang at narekober ang armas nito.

Ang grupo ni Ka Jing ay nag-o-operate sa bayan ng Tampakan, South Cotabato at Columbio, Sultan Kudarat.      (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.