Rebelde: ‘Be killed or surrender’ – AFP

TINIYAK NG pamahalaan na tuloy-tuloy pa rin ang gagawing “calibrated military response” laban sa natitirang kasapi ng Moro National Liberation Front-Nur Misuari faction na sumalakay sa lungsod ng Zamboanga.

Sinabi ni crisis committee spokesperson Lt/Col. Ramon Zagala na hindi tatantanan ng government security forces ang mga rebelde hangga’t hindi na-neutralize ang mga ito.

“We will continue with our calibrated military response until the are neutralized, either by being killed or captured or they surrender,” ani ng opisyal.

Una rito, lalo pa umanong lumiliit ngayon ang lugar na pinagtataguan ng mga armadong MNLF-Nur Misauri group members sa pang-10 araw na ngayon ng standoff sa Zamboanga City.

Ayon pa sa opisyal, base sa kanilang pagtaya, hindi na lalagpas ng 30 ang bilang ng mga kalaban.

Ipinagmalaki rin ni Zagala na nasa 80 porsyento na umano ng mga inukopang barangay ng mga rebelde ang nabawi na ng government security forces.

“Eventually matatapos na rin ito at the whole area, magsi-shift na tayo sa clearing operation,” ayon pa sa opisyal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.