Reality TV Host, Pinagpiyestahan ng mga Baklitang Reporter ang Nakabukas na Zipper!

ANG INAASAHANG PAGPUNTA ni Marvin Agustin sa Belgium para i-represent ang kanyang indie film na Sigwa sa Brussels Film Festival ay naudlot na nang tuluyan. Instead si Marvin na ang tatayong isa sa mga jury sa nasabing film festival, at ang Sigwa film entry nito ay naging exhibition entry na lang. Overwhelming ang pakiramdam ni Marvin dahil hangang sa ngayon, nagugulat pa rin daw siya kapag iniiisip niya na isa siya sa mapapalad na napiling jury.

Ang naging batayan daw kaya siya napiling jury this year ay ang naging performance daw niya sa mga nakaraaang niyang indie film na ginawa tulad ng Red Shoes at Sigwa. Sa October 2 na aalis si Marvin patungong Belgium.

SAMANTALA, PAGDATING NAMAN daw sa kanyang pag-ibig, wala raw muna at concentrate muna raw sa pagpapalaki sa kanyang kambal na anak na nahihilig daw sa golf. Naging parang playground na nga raw ng kambal ang golf course araw-araw, at siya rin naman daw during free time niya, golf na rin ang pinagkakaabalahan. Sa ngayon, busy si Marvin sa paggawa ng bago niyang serye at gaganap siyang isang business tycoon.

NAG-PICTORIAL SI IZA Calzado ng naka-two-piece bikini, para sa serye niyang Beauty Queen. But during pictorial, pinalabas lahat ang mga lalaking staff, at isinara ang studio, hindi pa kasi handa si Iza na magbuyangyang ng katawan sa harap ng kalalakihang nag-uusyoso.

BLIND ITEM: ISANG mausisang reporter ang natameme at nawindang dahil ang ini-interview niyang reality TV host ay bukas pala ang zipper, at showing ang under wear nito, with matching daks na bukol. Halos mautal ang matapang na reporter sa pagtatanong, at hindi malaman kung papa’no bubuksan ang digital camera nito para makunan ng picture ang bukas na zipper.

Samantalang si reality TV host, panay pa rin ang kuwento tungkol sa buhay niya, at hindi iniintindi ang mga nagbubulungan at nagsesenyasan sa harap niya. Kaya nang matapos ang interview, mega nginig ang reporter na ito, at nag-alisan agad ang lahat ng nasa harap na reporter ni reality TV host, baka kasi mapansin nito na siya ang pinag-uusapan at baka hindi ito maka-survive sa kahihiyan.

TwitMozzo
by Gary de Leon

loading...

5 thoughts on “Reality TV Host, Pinagpiyestahan ng mga Baklitang Reporter ang Nakabukas na Zipper!

  1. naku ang bading nga naman (na tulad ko), grabe ang imagination. nakita lang ang bukol ni richard gutierrez, daks na agad, as if….. hehehe (kung si dennis trillo pa iyan, sure na dakota harrison si papa hehehe)

Leave a Reply

Your email address will not be published.