Real property tax on-line payment, oks na sa Valenzuela

SA SUSUNOD na buwan, maaari nang bayaran sa on-line ang kani-kanilang real property tax upang hindi na magsadya sa City Hall ang mga nagnanais magbayad.

Nabatid kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, ang nasabing programa ay malaki ang magiging ginhawa sa mga tax payer ng lungsod sa dahilang hindi na sila pipila upang magbayad ng kanilang real property tax.

Isang bangko ang kanilang kinausap upang doon gawin ang transaksyon sa pagbabayad.

Maari na rin malaman sa on-line kung magkano ang kanilang babayaran at hindi na nila kailangan pumunta sa City Hall upang alamin kung magkano ang kailangan nilang bayaran.

Magiging mas maginhawa ang pagbabayad ng tax sa ganitong sistema ayon pa kay Gatchalian.

Maari naman makipag-ugnayan sa pamamagitan ng talepono ng City Hall ang sinuman gustong magbayad ng on-line upang malaman kung saan bangko at iba pang detalye sa pagbabayad sa on-line.

Sa mga susunod na buwan ay lahat na ng mga klase ng tax ay maaari nang bayaran sa on-line.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.