Reaksyon ng Tsina sa US deal: ‘Pinas ‘Di Nababahala

HINDI UMANO nababahala ang Palasyo kung ikagagalit man ng Tsina ang karagdagang presensya ng US forces sa pamamagitan ng binubuong Framework Agreement.

Ngayong araw nakatakdang simulan ang negosasyon ng magkabilang panig kaugnay sa kasunduan sa US increased rotational presence sa bansa kahit pa mariing kinokontra ng mga kritiko.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, labas na ang Pilipinas sa reaksyon ng Tsina dahil ang concern ng pamahalaan ay magkaroon ng tinatawag na minimum credible defense position.

Sinabi ni Lacierda na maliban sa isyu ng depensa, mapapalawak din at mapapabilis ang humanitarian and disaster response ng US sa bansa sa panahon ng kalamidad.

Kasabay nito, umapela si Lacierda na huwag munang pangunahan ang nilalaman ng kasunduan at makakaasang mangingibabaw ang interes ng Pilipinas, bagama’t US ang may inisyatiba ng naturang forces shift sa Pacific region.

“That is their (China) concern not ours,” ani Lacierda. “The focus of the increased rotational presence also will involve not only our credible defense position — minimum credible defense position — but also a shift to humanitarian and disaster response. So those are part of the agreement that we’ll be coming up with. So is it…solely focused on defense? The shift will — again, let me emphasize from internal we are shifting to external [with an] emphasis also on humanitarian and disaster reduction response,” ani Lacierda.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.