Reaksyon ng Business Sector sa SONA, Hati

HATI ANG naging reaksyon ng business sector sa naging report sa bansa ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino lll.

Ayon kay Philexport president Sergio R. Ortiz-Luis, wala naman umanong bago sa SONA ng Pa-ngulo.

Sinabi pa ni Ortiz-Luis na u-maasa sana siyang makarinig ng tungkol sa mining at small and medium enterprises (SMEs), pero wala naman daw nasabi.

Sa kabila nito, masaya ang Philexport president na natalakay sa ulat ng Pangulong Aquino ang tungkol sa turismo.

Sa panig naman ng Management Association of the Philippines (MAP), nakapapagod umano ang naging talumpati ng Pangulo.

Sana man lang umano ay nai-singit sa mahabang talumpati ang mapabuti ang mga imprastraktura na magagamit sa susunod na he-nerasyon.

Samantala, binigyan ng two thumps up ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) president Miguel B. Varela, ang ulat sa bayan ni PNoy.

(MK Caguingin)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.