Reaksiyon ni Paolo Contis sa interview kay Lian Paz:
‘Ang taraaay! Ang gandaaa!’

BACK STORY: June 2 ng kasalukuyang taon nang sorpresahin ng dating EB Babe na si Lian Paz ang manager ng kanyang dyowang si Paolo Contis na si Lolit Solis sa studio ng Startalk TX. Masayang ibinalita ni Lian that Paolo had allowed her to work, this time doing PR work for a consumer product. Bitbit ng seksing si  Lian — who looked as though she did not give birth twice — ang isang giveaway inside a paper bag na ibinigay niya kay Lolit.

Three months later, straight from the (female) horse’s mouth, Lian confessed to being separated from Paolo who initiated the breakup. Ayon sa kanyang tearful revelation in an exclusive interview by Butch Francisco na umere sa Startalk TX last Saturday, Lian ruled out the involvement  of any third party, sa side man niya o ni Paolo.

Still on the back story, na-eavesdrop namin sa kaswal na tsikahan nina Lian at Alyssa Alano ang minsang paninita raw ni Paolo noong gabihin sa pag-uwi ang kanyang dyowa. Lian reasoned out that as a PR person (trabaho na noon pa man daw niyang pinangarap, in fact, her dream course was MassCom or any allied discipline), bahagi raw ng kanyang trabaho to deal with her clients — male or female — who would treat her out to business dinner.

“Baka naman nililigawan ka na ng mga ‘yon,” narinig naming pagko-quote ni Lian sa pabiro namang paninita ni Paolo sa kanya. But Lian, who swore to being a faithful partner, only wanted to earn her keep nang hindi raw dumedepende sa sustentong natatanggap niya mula kay Paolo.

Last week, Lian broke the sad news. Mismong si Paolo raw ang nakipagkalas sa kanya. Even before he flew to the US, walang kaide-ideya si Paolo tungkol sa nilalaman ng ginawang panayam ni Butch kay Lian. When told about Lian’s confessions, dalawang magkasunod na pabaklang reaksiyon lang ang namutawi sa bibig ni Paolo: “Ang taraaay!” at “Ang gandaaa!”

Isang bagay lang ang tiniyak ng aming source who persisted in getting Paolo’s reaction to the hiwalayan issue: desidido na talagang makipagkalas ng aktor sa dating EB Babe.

 

BINANSAGANG NORA Aunor Weekend Special ang back-to-back exposure ng Superstar sa TV5 over the weekend that befitted a movie icon lalo’t ipinagdiriwang niya ang kanyang 45th year in showbiz.

Of the two weekend appearances ni Ate Guy, mas memorable ang muli ni-lang pagsasama ni Lorna Tolentino sa Third Eye nitong Linggo. Decades ago when Nora and LT did their first movie together, ang Mga Uod at Rosas, pero in no single scene all throughout ay nakunan silang magkasama.

Kapwa masaya ang multi-awarded actresses sa kanilang muling working relationship, na sana raw—hiling nilang pareho—ay masundan ang kanilang film of yore. Paniniyak naman ni Mr. Perci Intalan, plans are underway to put Ate Guy and Lorna together in a milestone project.

Of our most accomplished actresses, bukod sa husay nina Nora at LT sa pagganap ay markado rin ang pagkakaroon nila ng mga masuwerteng nunal sa mukha. Maybe — just maybe — a nice creative jump-off point would be their moles.

 

HOW VERY selfless naman of Cesar Montano to have waived his talent fee bilang isa sa dalawang pangunahing bida ng drama suspense thriller na Biktima.

Nagkataon na ang direktor nitong si RD Alba was Cesar’s AD (associate director) in the 2004 Metro Manila filmfest entry na Panaghoy sa Suba. Eight years later, ang US-film schooled na si RD is at the helm kung saan ang sensitibong paksa on human behaviour against a backdrop of insurgency in Bohol ang siyang tema ng naturang pelikula.

Bohol is Cesar’s native province, Biktima is his long-time friend’s brainchild, kumbaga, understandable on the part of Cesar ang paniniwala sa proyekto, hence, immaterial ang kanyang talent fee.

Now showing in theatres nationwide, kasama ni Cesar sa pelikulang ito sina Angel Aquino at Mercedes Cabral, also two of the finest actresses of their generation.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Reaksiyon ni Paolo Contis sa interview kay Lian Paz:
‘Ang taraaay! Ang gandaaa!’

  1. Dapat lang pa interview si Paolo upang malaman ng lahat na nagladlad na rin sya ng KAPA.. Na kadugo na nya si Lian,,Ng kung sa ganon ay di sya masisi sa bandang huli ng paghihiwalay nila.

  2. dapat tong mga ganitong klaseng uri ng lalaki ang pinapatay eh pagkatapos pagsawaan at buntisin ang mga asawa bigla nlng iiwan….

Leave a Reply

Your email address will not be published.