Ready nang maging lola
Vilma Santos, ok lang kung totoo ngang nagpasakal na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado!

HINDI TIYAK ni Governor Vilma Santos kung totoo o hindi ang balitang kasal na sina Jenylyn Mercado at ang anak niyang si Luis Manzano. “Well kung totoong ganu’n, eh ok lang iyon. Nasa edad na naman ang anak kong iyon,” kay ate Vi ang pahayag na iyon na humahalakhak habang kausap namin kamakailan.

Ayon kay Ate Vi madalas daw na isinasama ni Luis sa kanila si Jennylyn. “Kung saan masaya ang anak ko, masaya na rin si nanay. Nasa tamang edad na si Luis kaya anytime handa na rin akong maging lola. Hahahaha! Wala tayong magagawa, du’n naman tayo patutungo. Hahaha!”

Sa nakaraang birthday ni Ate Vi, hindi niya nakasama si Luis sa Hong Kong at bagkus ay mas pinili nitong samahan si Jennylyn sa Dubai. “Constant communication naman kami ni Luis kaya parang kasama na rin namin siya.”

Samantala, ina-min ni Ate Vi na ang anak nila ni Senator Ralph Recto ay hindi malayong pumalaot din sa showbiz sooner. “Nakikita ko sa kanya ‘yung mga bagay na nakikita ko noon kay Luis. ‘Yun bang nagtitimpi lang… pero mas malaki ang potential niyang pumasok sa pulitika, kasi nakikita naming malapit siya sa mga tao.”

Sa kabuuan, naging masaya si Ate Vi sa nakaaran niyang kaarawan dahil kasama niya ang Vilmanians. “Ang sabi ko sa Vilmanians, kung anuman ‘yung mga naririnig nilang paninira, eh, hayaan na lang nila. Huwag nang palakihin dahil hindi na naman tayo mga bata para patulan pa ang mga intriga. Pero kung talagang sobra na, aba, bahala na si Ate Emily diyan, at ako na rin mismo ang magsasabing, ala eh, ‘di sige lalaban!” Pagwawakas ni Ate Vi.

 

GETTING TO know each other pa rin ang drama ni Derek Ramsay sa bagong apple of the eye nitong girl na ang initial ay “A”. At ayon kay Derek, masaya naman daw ang kanyang lovelife lalo pa at all support ito sa kanyang mga ginagawa.

Deadma na rin si Derek sa mga patutsada ng kampo ni Angelica Panganiban, dahil ang paniniwala ng aktor, ang lahat ng mga naglalabasang “nega-tibo” ay pakawala lang ng kung sinong walang alam sa tunay na relationship nila ngayon ni Angelica bilang kaibigan.

Kararating lang ni Derek mula sa Guam at ayon sa binata, hindi niya hahayaang masira ang magandang samahan nila ni Angelica, lalo pa at nagkaroon na ng pagkakataong makapag-usap sila.

Naniniwala rin si Derek na totoong may kakayahang makapag-compose si Angelica dahil bukod sa smart ay matalino ang aktres.

“Sana maging masaya na lang tayo sa mga nangyayari dahil magkaibigan naman kami ni Angel.” Pagwawakas ni Derek sa Pinoy Parazzi.

 

BAGUHAN PERO may dedikasyon sa showbiz, kaya naman sa indie film na Ken at Abel, na nakatakdang itanghal sa mga sinehang Isetann, Remar at Robinsons Galleria sa November 14 (Wednesday), makikita ang husay sa pag-arte ni Norris John.

Bukod sa action at drama, may halong sex ang nasabing pelikula, kung saan ay naki-pagsabayan si Norris John sa mga maiinit na eksena. Naku, nakakaloka si Norris walang takot na nagtalop. Hahaha!

“Last ko na po ‘yang ginawa ko diyan. Ayoko nang magpakita,” tumatawang sabi ng binata.

Isa si Coco Martin sa mga idolo ni Norris na nagsimula rin sa paggawa ng indie films na ngayon ay hottest actor na in showbiz. At dahil libre naman ang pangarap. Idolo niya rin ang magaling na si John Lloyd Cruz. Wish pa ni Norris na makita niya sa personal ang crush niyang sina Bea Alonzo, Cristine Reyes at Eula Valdez,huh!

More Luck
by Morly Alinio

loading...

One thought on “Ready nang maging lola
Vilma Santos, ok lang kung totoo ngang nagpasakal na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado!

Leave a Reply

Your email address will not be published.