Re-Routing sa Undas sa mga Kalsada sa Caloocan, Handa na

NAKAHANDA NA ANG Caloocan City Police sa isasagawang re-routing plan ng mga sasakyan upang makaiwas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Araw ng mga Patay sa darating na Nobyembre 1, 2011.

Ayon kay Caloocan City Chief of Police Sr. Supt. Jude Wilson Santos, sisimulan ang re-routing ng mga sasakyan dakong 6:00 ng umaga ng November 1 at magtatapos ito kapag nagsiuwian na ang mga taong magtutungo sa mga li-bingin ng mga yumao.

Kabilang sa mga maaapektuhang kalsada ay ang Gen. San Miguel St. kung saan ay magiging “one way” ito patu-ngong Monumento habang ang mga patungo naman ng Sangandaan ay kinakailangang

kumanan sa A. Bato St. tapos ay kakaliwa naman sa Torres Bugallon St., kakaliwa ulit sa P. Jacinto St., kakaliwa uli sa A. Mabini St. at diretso na ng Gen. San Miguel St.

Samantala, hindi naman papayagang makapasok sa loob ng La Loma Catholic Cemetery ang lahat ng sasakyan habang ang mga behikulong manggagaling sa Dagat-Dagatan Ave. ay kinakailangang kumaliwa sa Rizal Avenue Extension.

Ang mga sasakyan namang magtutungo sa Eternal Garden ay hindi rin papayagang makapasok sa main road patungong sementeryo, kung saan ay makakadaan lamang ang mga ito sa Baesa Road.

Bubuksan din sa trapiko ang kahabaan ng Gen. Luis St. habang ang papasok sa north entrance ng Bagbaguin Public Cemetery ay isasara sa mga motorista upang hindi bumigat ang daloy ng trapiko sa natu-rang lugar.

Para naman sa mga magtutungo sa Tala Public Cemetery na manggagaling sa Almar ay pinapayuhang kumanan sa Phase 3 corner Phase 1, Brgy. 176 tapos ay kakaliwa sa St. Anthony St. patungong Bagong Silang Road.

Isasara naman ang Lualhati St. kaya’t kinakailangang kumaliwa ng mga motorista sa Katarungan St. hanggang sa makarating ang mga ito sa Phase 7-A at ang mga motoristang manggagaling sa Tala Public Cemetery na lumabas sa Phase 7-A patungong San Jose del Monte City, Bulacan.

Kaugnay nito, maglalaan din ng mga parking space ang lokal na pamahalaan para sa mga sasakyan sa lahat ng sementeryo ng lungsod habang huhulihin naman ang mga motoristang magpaparada ng kanilang sasakyan sa ipinagbabawal na mga lugar.

Maglalagay rin ang lokal na pamahalaan ng mga first aid station sa lahat ng semen-teryo na matatagpuan sa buong lungsod nang sa gayon ay agad na may aagapay sa mga taong magkakaroon ng problema sa kanilang kalusugan sa pagtu-ngo sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.