Re-Routing Para sa Independence Day, Kasado na

KASADO NA ang gagawing re-routing para sa pagdiriwang bukas ng ika-115 Araw ng Kalayaan ngayong araw.

Base sa re-routing plan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas-5:00 ng hapon kahapon ay isinara na ang ilang lansangan patungo ng Luneta Grandstand at sa Liwasang Bonifacio para sa gaganaping mga pagtitipon.

Ngayong araw, alas-6:00 ng umaga, Independence Day, isasara ang southbound ng Dasmariñas at Plaza Santa Cruz, southbound ng Escolta at Plaza Sta. Cruz gayundin ang southbound ng McArthur Bridge at ang northbound naman ng Jones Bridge.

Ang mga sasakyang galing sa Jones fly-over na dadaan sa Magallanes Drive ay pinadadaan sa Jones Bridge o Quintin Paredes habang ang mga motoristang galing sa Rizal Avenue na dadaan sa southbound lane ng McArthur Bridge ay pinadidiretso na lang sa Dasmariñas St., kakaliwa sa Juan Luna, kaliwa sa Place Servantes, kanan sa Jones Bridge papunta sa kanilang destinasyon.

Ang mga provincial bus naman na galing sa Laguna at Cavite na dadaan sa Taft Avenue patungong Lawton ay kakanan sa United Nations Avenue, kanan sa San Marcelino.

Ang mga sasakyang galing hilagang bahagi ng Maynila patungo sa southbound lane ng Roxas Blvd. ay kakaliwa sa P. Burgos, kanan sa Maria Orosa, kanan sa TM Kalaw.

Ang mga sasakyan na galing sa southern part ng Maynila na gagamit ng northbound lane ng Roxas Blvd. ay kakanan sa TM Kalaw, kaliwa sa Maria Orosa, kaliwa sa P. Burgos hanggang sa makarating sa destinasyon.

Samantala, sinabi naman ng MMDA na suspendido ngayong araw ang number coding.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.