Rayver Cruz, walang paki sa lovelife ni Cristine Reyes

Rayver-CruzSINIGURO SA amin ni Rayver Cruz na wala siyang naramdamang selos kung nail-link man sa ibang lalaki ang ex-girlfriend na si Cristine Reyes. Sa finale presscon ng Honesto, inamin ng aktres na nanliligaw sa kanya ang basketbolistang si Kevin Alas ng Gilas Pilipinas at kung magtitiyaga ito sa ginagawa, malaki ang posibilidad na sagutin niya ito.

Ayon kay Rayver, wala siyang karapatang pigilan ang mga gustong manligaw sa ex, ‘di rin siya nagtatanong at wala ring responsibilidad si Cristine na sabihin sa kanya ang mga manliligaw, dahil matagal na silang wala at magkaibigan na lang sila.

Hiningan namin ng reaksyon sa naging pahayag sa amin ni Cristine na hindi nawala ang pagmamahal niya kay Rayver higit sa pagiging kaibigan, pinaliwanag naman sa amin ng aktor na nanatiling espesyal sa kanya ang dating kasintahan dahil malalim ang kanilang pinagsamahan. Pero alam nila pareho na mas mabuti at mas maganda kung magiging mabuting magkaibigan na lang sila.

Aminado naman na lumalabas kasama ang ilang malalapit na mga kaibigan pero hindi na pala sila nagkita o lumabas uli ni Imee Schweighart, 2013 semi-finalist sa Ms. Philippines kung saan lumabas ang sweet nilang kuha.

Hindi nagmamadali na magkaroon ng lovelife at ine-enjoy ang kanyang pagiging malaya at single sa ngayon, naniniwala si Rayver na darating ang pag-ibig sa tamang panahon at ‘di ito dapat madaliin.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

One thought on “Rayver Cruz, walang paki sa lovelife ni Cristine Reyes

Leave a Reply

Your email address will not be published.