Rayver Cruz, takot mapalapit kay Sarah Geronimo by Eddie Littlefield

NAKAUSAP NAMIN SI Rayver Cruz sa Thanksgiving ng May Bukas Pa, para linawin ang mga intrigang ibinabato sa kanya. Imbudo raw ang mag-inang Sarah Geronimo at Mommy Divine sa binatang actor kaya hindi siya invited sa nakaraang birthday party ng singer/actress.

“Ako ‘yung nag-text sa kanya, nakausap ko siya. Hindi niya alam may surprise party pala daw sa kanya. Siguro, ‘yung nag-organize hindi alam kung paano ako mako-contact, hindi alam ‘yung number ko. So, hindi siya ang nag-invite. If ever na siya ang nag-invite, hindi rin kami makakapunta ni Maja (Salvador) dahil may taping kami. Sunday ginawa ‘yun, Sunday din ang taping namin,” paglilinaw niya.

Nag-umpisa lang sa pa text-text  ang magandang pagtitinginan nina Rayver at Sarah hanggang dumating sa punto na diumano nagkakamabutihan na ang dalawa. “Nagte-text ako once in awhile kapag libre ako, libre siya. Nangangamusta bilang kaibigan, wala naman masama kung maging close kayo, di ba?”

Niligawan nga ba ni Rayver si Sarah o liligawan pa lang ?”Hindi pa dumating sa punto na ‘yun kasi, naging close naman kami, naging magkaibigan, okey na ako sa ganu’n. Hindi naman ako naghahangad ng mas mataas du’n. Sa ngayon wala, alam naman nating sobrang busy siya. Tignan na lang natin kung ano ang puwedeng mangyari, masaya akong magkaibigan kami . Mahirap naman kasi magsalita ng tapos, hintayin na lang natin,” say ng binata.

Dahil sa mga issues na naglabasan tungkol sa kanila ni Sarah nagmukhang kawawa tuloy itong si Rayver. “Normal lang siguro ‘yun na may lalabas na ganu’n. Siyempre, Sarah Geronimo na ‘yun hindi maiwasan ang ganoon issues pero okey na kami, wala na ‘yung tampuhan.”

May balitang pinagselosan raw ni Sarah si Melissa Ricks dahil madalas makitang magkasama ang dalawa. “ Hindi naman, wala naman selos-selos dahil hindi ko naman siya nililigawan. Walang dapat ipagselos, magkaibigan lang kami ni Melissa.”

May balitang may pelikulang gagawin sana sina Rayver at Sarah, nagmahadera raw si Mommy Divine kaya hindi natuloy ang project nila together. May chemistry pa naman ang dalawa, may kilig factor sa mga fans.“ Yung nanay nga, okey lang ‘yun desisyon nila ‘yun, respetuhin na lang natin. May darating pa naman siguro na ibang project so, maghihintay na lang ako,” seryosong turan niya.

Lumalabas ngayon nakiki-ride on ang binatang actor sa popularity ni Sarah Geronimo. “Nasasaktan din ako kahit papaano dahil wala naman akong intensiyon na masama na gamitin siya or anything. Gusto ko lang maging magkaibigan kami, opinyon nila ‘yun  normal lang siguro ‘yun. Kaya nga, natatakot din akong maging malapit sa kanya kasi, feeling ko ‘yun ang lalabas, maiintriga ako. Sarah Geronimo na siya, nand’yan na siya sa itaas  so, kapag madikit ka sa kanya sasabihin ginagamit para sa career mo pero wala akong iniisip na ganu’n. Lahat naman ng artista nagsimula sa ibaba bago sumikat,” pahayag ni Rayver.

Bakit biglang na-link si Rayver kay Melissa Ricks ? “Nagulat din ako du’n, kasi may issue na palagi raw kasi akong nagdi-dinner sa bahay nina Melissa. Ang totoo ‘yan, hindi ko alam kung paano pumunta sa bahay nila kaya imposible. Noong nasa States kami, tawa kami nang tawa ni Melissa kasi noong lumabas ‘yun paalis na kami (Star Magic US Tour). Sila ‘yun close ko lalo na si Kim Chiu.Siguro kapag pumupunta kami sa party sa mga executive place laging late dumarating itong si Matt (Evans) kami ni Melissa ang palaging magkasama at saka sina Kim (Chiu) at Jake (Cuenca), pinagdugtong-dugtong na lang. Magkaibigan lang talaga kami,”paliwanag niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

15 thoughts on “Rayver Cruz, takot mapalapit kay Sarah Geronimo by Eddie Littlefield

  1. wag naman kayong ganyan,hayaan natin sila hindi kung anong mga masasamang mga salita ang lumalabas sa mga dila niyo basta para sa akin bagay sila at talagang makikita sa mga mata ni rayver na sincere siya kay sarah kinikilig pa nga siya eh everytime na banggitin ang pangalan ni sarah at ganun din naman si sarah diba.

  2. sabihin niyo baitbaitan yan si sarah geronimo niyo!
    mabait lang siya pag on cam diba. pag off cam grrr lumalabas ang tunay na anyo. kaya nga hindi siya niligawan ni john llyod kasi may natuklasan sa kanya

  3. nakuh!!! meron bang close na hindi naman invited sa party,marunong lang makisama si sarah pero alam niya ang totoo niyang friends sa hindi…..alam din nila mommy divine kung sino ang maganda intention kay sarah nakikita naman nila sa actions ng tao hindi naman manhid at bulag si sarah para hindi maramdaman ang fake sa totoo

  4. atleast si rayver ma pa off/on cam totoo siya sinasabi niya kung anong totoong feelings niya… at saka kilabutan kayo sa sinasabi niyong user si rayver ah kasi wala naman ito katotohanan hahahaha at saka sa inyo na yan si sarah geronimo niyo ipilit niyo siya kay John LLoyd Cruz na pilit naman tinatanggi siya hahaha at saka wag nga kayo magpiling jan na ginamit talaga siya ni rayver si sarah mga ambisyosa hahahaha

    LOSERRRRRR mga O.A. kasi kayo eh

  5. Si Sarah mismo ang nagsabi na close friend sila ni Rayver at nag cocommunicate sila(may article sa abante ).Kayo naman lahat na lang ng ma link kay Sarah akala niyo ginagamit siya.Sino ang gusto niyo si John Lloyd na tinanggi na siya ng ilang beses?Sabi ni JLC walang ligawan,trabaho lang iyon,special cia pero it doesn’t follow na ligawan mo na iyong tao.So maliwanag na iyong pasweet sweet ni JLC pang camera lang.At least si Rayver totoo at talagang inaamin niya na kaibigan cla.Di ba iyan ang gusto no Sarah kaibigan at d boyfriend?Malay ninyo nakita sa kaniya ni Sarah ang katangian ng totoong friend.

  6. kahit ano sabihin user talaga si rayver at mukang nageenjoy ang mokong! sa attensyon na binibigay sa kanya courtesy of sarah…….kung talagang hindi siya user matagal na dapat siyang nag no comment sa mga isyu sa kanila ni sarah pero siya pa itong laging nagpa press release hindi naman na siya pinapansin ni sarah at mommy divine

  7. Bat kase pinipilit eh it seems naman na hindi niya talaga feel si sarah g. pero pabor kay raver yung malink sa kanya si sarah..hindi pa man nakinabang na siya dahil nakasama siya movie nila sarah john lloyd..

  8. hoy sassy at least si sarah galing man sa ibaba, di gumamit ng kuning kuning na crush nya para mapansin. TALENT ang puhunan ni sarah hindi ang maki ride sa kasikatan ng iba para sumikat din, but unfortunately, starlet pa rin yang rayver na yan kaya paawa effect na akala mo naman inapi. pweeh!

    • hoy ka din! para sabihin ko sayo lahat ng artista sa mundo talent ang puhunan”ang tanga mo naman!..ahaha si rayver kawawa??!! kayo ang kawa at ang mga paawa effect haha:D at saka matagal na kilala sa mundo ang pangalan ni rayver kahit hindi pa siya nadidikit kay sarah. believe it or not. impakta …. …pweeh kapa nalalaman jan..walang kwenta…hahaha

  9. Pogi talaga ni Rayverrrrrrrrrr Cruzzzzzzzzz!!!!! :D
    ahaha .. ..tama ka jan rayverr “Lahat naman ng artista nagsimula sa ibaba bago sumikat” bakit dumaan din naman sapuntong nilaitlait si Sarah Geronimo ha. Kaya wag kayo masyado mataas at sobrang manlait! ..ang o.a. niyo talaga …hahaha

  10. sila may chemistry? Mga fans lang ni rayver nagsasabi nun para sumikat idol nila. que horror dahil lang kay sarah napag uusapan sya! Di daw nya ginagamit panay naman ang sagot sa tanong! In the first place kung walang intensyong manggamit una pa lang ng prrscon sinabi na dapat sa mga reporter no more sarah questions please para di na humaba! Naku rayver di kami ipinanganak kahapon! USER KA TALAGA!!!

    • tama ka dyan katulad ni ronnie liang,stop talaga siya sa pagbibigay ng comment e etong si rayver panay ang press release na parang nagmamakaawa kay sarah na pansinin siya,hindi naman siya pinapansin ni sarah at mommy divine pate fans ni sarah hindi siya pinapansin

  11. close daw sila ni sarah pero hindi naman siya inimbita sa party at close daw sila ni melissa pero hindi alam pumunta sa bahay nila melissa,turuan kita gusto mo? hahahahaha!!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.