Rayver Cruz: simple pero astig na performer

TILA AYON SA mga balita ay pinag-aagawan si Rayver Cruz ng dalawang nasa bakod din ng ABS-CBN. ‘Di kaila rito ang mga isyu tungkol sa ‘love triangle’ nila nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes. Wow naman, huh! Sa bagay, guwapo at matangkad ito. ‘Di kataka-taka kung pag-agawan man ito ng mga tsikas. Ano inggit ba kayo?

Anyway, pasadahan natin ang binata. Sa tunay na buhay, siya si Raymond Oliver Cruz Ilustre, na pinsan naman ni Sheryl Cruz na anak naman ni Ricky Belmonte. In short, Rayver Cruz bilang screen name.

Ayon sa kanya, hilig at pangarap na niya ang mag-artista at makita sa telebisyon sa edad na 9 na taon. Natupad ito nang magsimula siya sa tele-magazine show na 5 & Up. At doon nagsimulang nahasa siya sa sayaw, acting at pag-awit.

Nang tinanong ko kung makulit siya noong bata pa, sagot niya, mahilig talaga siyang sumayaw at kumanta ng RNB. Itinanong ko naman kung marunong siyang mag-breakdance, “Ah hanggang ngayon marami pa ring nagbi-breakdance  kaya lang ayaw ko, baka mabali ang bones ko.”

Nak’s nagbibiro nga sa ‘kin, hehehe! Makakasundo at gusto ko ‘to. Ah, kamag-anak mo ang mga Cruz Family, sino du’n? “Ah, kapatid ng mama ko si Ricky Belmonte. Pinsan ko sina Ate Sheryl, Ate Sunshine, Donna Cruz, Geneva Cruz. At si John Lloyd.” Ah, ganun?  “Ah hindi-hindi, biro lang. Ang cousins ko talaga sina Ate Sheryl, Geneva, Donna.”

Ayon sa kanya, ‘pag wala siyang trabaho ay basketball at panonood ng sine kasama ang barkada ang pinaka-break niya. Tapos puro-barkada? “Yah! Ah, ‘yung talagang mga close lang.”

Hahaha! At saka dapat marunong din silang gumastos kasi kung hindi, siya ang taya lagi.  Ito kamo sagot niya, “Mana po ba sa inyo? Hahaha!” Biro niya sakin. Haha!

Ano’ng mga collections mo bro? “Pabango. Medyo paiba-iba ‘yung pabango ko, eh. Ang mga pabango ko, simple lang naman eh, ano ba? Ah… Aqua di Gio by Giorgio Armani. Saka ‘yung Cool Water.”

Mura nga lang. Hahaha! Pero minsan may mga pabango na minsan eh, naaamoy mo na parang pabangong grasa, ‘di ba kakakaiba ‘yun ‘noh? Niloloko ko rin. At natatawa rin.

Sa edad niya ngayon, marami raw gustong gawin si Rayver at gusto niya ‘yung may challenge siya. Gusto niyang subukan ang action, drama at comedy. Ok! Hindi siya mawawala sa industriya. Ang galing nito, ah!

Ayon sa kanya, sa loob ng 5 to 10 years ay gusto niyang stable na siya at may sariling bahay at lupa, business at maayos at masayang pamilya. Dagdag pa niya, “In the next 5 to 10 years, ang plano ko maging ikaw, hahahah! After 5 to 10 years, interview ulit tayo.” Binibiro ako, siguro kasi ang tingin niya sa akin parang daddy niya.

Nang sinabi ko na painter din ako, sagot niya, hilig din niya ang mag-drawing. Kaya ang sabi ko ay pasyal siya at tuturuan ko siyang magpinta.

Paano mo name-maintain ang physical body mo para laging maganda? “Pagsasayaw. ‘Pag may time nagdyi-gym ako. At saka kailangan on-the-go ang katawan mo palagi. Para kung kumain ka, nabu-burn ang calories.”

“Ang sabi nila cute daw ako. Pero hindi ako naniniwala sa kanila. Cute ba? Sakto lang naman, ‘di ba? May hitsura lang?” Hinagod ko ng tingin na nagbibiro rin ako. Ah… may hitsura! Kapag cute, iba pa ‘yun. “Ay hindi! Iba na po, nagkakalokohan na tayo, eh. Mana ako sa ‘yo.” Hahahha!

Well, ano ang masasabi mo sa mga co-actors mo? “Iba na sila ngayon, marurunong na silang mag-ipon para sa future nila.”

Si Rayver ay anak nina Rodolfo at Elizabeth Ilustre kasama ng dalawa pang kapatid na lalaki. Sa ngayon, regular siya sa  ASAP Rocks at may serye ring Reputasyon kasama ang girlfriend na si Cristine Reyes. Sa ‘di matawarang husay ng dancer-actor na ito, good luck, Bro!

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

 

For comments and suggestions, call tel. no. (02) 3829838; cel. no. 09301457621; e-mail: orobiakpp@yahoo.com, maestrorobiaparazzi@yahoo.com or visit www.pinoyparazzi.com 

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.