Rayver Cruz, pilit na ibinabagsak!

NAKAKATAWA ANG DETRACTORS ni Rayver Cruz. Kahit baseless rumor, pinapatulan.

Lately, natsitsismis ngayon ang binata na may gay benefactor. Ito naman ngayon ang slant ng mga detractors ni Rayver na halatang-halata naman na fabricated lamang.

“Hindi, wala, wala pong ganoon. Para sa akin, okay lang naman na magkaroon ako ng mga kaibigan na gay pero ‘yung ganoon, wala po sigurong gano’n. Hindi ko rin po siguro hahayaan at kung nasaan man ‘yung tatay ko ngayon baka magalit sa akin ‘pag nangyari ‘yon,” paliwanag ni Rayver tungkol sa pagkakaroon niya ng gay benefactor.

Obviously, gustong ibagsak ang binata, pero hindi naman sila magwawagi. Kung may gay lover si Rayver, bakit ‘di nila pangalanan, aber?

Naloka kami nang mabalitaan naming dinuro-duro diumano ng father ni Sarah Geronimo nang kausapin ito sa backstage ng ASAP XV. Nakakaloka naman kung totoo ito.

Bakit nga ba kontrang-kontra ang pamilya ni Sarah sa pagkakaroon ng boyfriend, eh, nasa tamang edad na naman ito? Bakit, takot ba silang baka biglang mag-asawa ang dalaga at maglaho ang career nito? Bakit umaasa lang ba sila sa kinikita ni Sarah?

Ang balita pa, mas gusto raw ng pamilya ni Sarah si John Lloyd Cruz. Hello??? Obvious namang hindi naman siya type ni Lloydie, ‘no! Dahil kung type siya, baka niligawan na siya noong nagsu-shooting palang sila ng kanilang movie. At saka, may Shaina Magdayao na si John Lloyd, ‘no! Tigilan ako!

NANAKAWAN PALA ANG dyowa ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano.

Nag-dinner lang si Paul sa isang resto d’yan sa bandang Tomas Morato, pagbalik niya sa kotse niya ay wala na ang kanyang laptop.

Binasag ng magnanakaw ang bintana ng sasakyan ni Paul kaya nakuha ang laptop nito. Mahalaga kay Direk ang kanyang laptop dahil doon naka-stock ang kanyang mga gawa.

Maaasahan palang girlfriend itong si Toni dahil kaagad itong nagpunta sa resto matapos sabihin ni Paul ang nangyari.

“I think she was in a shooting and what’s nice about it is that she came,” say ni Direk Paul.

BIG CHALLENGE PARA kay Direk GB Sampedro ang idirek ang bagong talk show ng TV5, ang Paparazzi.

Sa tingin ba niya, much better show ang Paparazzi compared sa The Buzz at Showbiz Central o anumang showbiz oriented talk show?

“May kanya-kanyang strength ‘yung mga show na ‘yan, eh. Siyempre, ang The Buzz, talagang established na show na. Kumbaga, hindi ko masasabing better show kami kaysa sa kanila. Magkakaibang show ‘yan, eh. Nagkataon lang na ang format niya, eh, showbiz,” esplika ni Direk GB.

Pero may nakikitang advantage si GB sa Paparazzi over its competitors. “Kami siguro, ang nakikita kong advantage, wala kaming kunwari ‘yung hindi mailabas ‘yung balita. Hindi puwedeng i-kontrol ang balita. Puwede naming i-discuss ang Channel 2 and Channel 7. Siguro kung ang mga artist may intriga, kumbaga wala kang masyadong iniisip na iniingatan. Siguro proteksiyon na rin. Siguro pagdating sa content, sisiguruhin naming malakas ‘yung sa amin. Nag-e-experiment din kami. Gusto namin ‘yung pagiging raw ng mga balita, pagiging raw ng treatment.”

Eh, paano naman kung siya naman ang maging laman ng balita. Magiging parehas ba siya sa treatment? Okay lang. Pareho lang. Walang papaboran.

In passing ay napag-usapan din ang lovelife ni GB na sinasabing dyowa ni Candy Pangilinan.

“Nararamdaman mo na lang na compatible kayo. Siyempre, hindi naman maiiwasan na may problema rin, na may pinagdadaanan din,” sabi niya tungkol sa relasyon kay Candy. No, hindi pa pala sila nagli-live in. “Hindi. Mas magandang tama ‘yung sitwasyon.”

Siyanga pala, nominated si GB sa URIAN at Star Awards for Best Director for Astig.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articlePapa-rampa: Purple for Mystery!
Next articleParazzi Chikka: Sus Ginoo! Roxanne, nagpapraktis nang maging misis!

No posts to display