Rayver Cruz, nagpakain ng saging sa baklang audience!

AS EXPECTED, kanya-kanyang eksena ang celebrities na rumampa sa Cosmo Batch 2013 na ginanap sa World Trade Centre. At ilan sa mga umeksena ng gabi ng mga hunks ay sina JC de Vera na first timer sa pagrampa ng sexy ay nagpahimas ng kanyang katawan sa mga bading na audience.

Habang may props naman na saging si Rayver Cruz na binalatan nito on stage at ipinakagat sa isang audience na bading na naging dahilan para maghiyawan nang sobrang lakas ang mga taong nasa loob ng World Trade .

Hindi naman nagpatalbog sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, na after mag-solo sa pagrampa ay muling bumalik at sabay na rumampa na umani ng pinakamalakas na hiyawan at palakpakan mula sa audience.

Expected nga ng mga ito na magbebeso-beso man lamang ang dalawa o magyayakapan pero walang ganoong klaseng kaganapan, dahil nagngitian lang ang mga ito at sabay na ring lumabas ng entablado.

 

MARAMING NAKAPANSIN na mukhang nanggaling sa beauty title ni Gloria ang pangalan ng pabango ni Isabelle Daza na ‘Univers’ at ‘Ritual’.

Alam naman ng marami na ang mommy nito na si Ms. Gloria Diaz ang ating Miss Universe 1969 na present sa launching ng pabango ng kanyang anak na si Isabelle na ginanap sa Trinoma.

Habang rumarampa nga si Isabelle, dala ang kanyang pabango, marami ang nagsasabing puwedeng-puwde nitong sundan ang kanyang ina sa pagiging beauty queen. Pero mukhang wala pang balak na mag-join ng beauty pageants si Isabelle. Pero who knows baka ilang taon lang ang makalipas ay mahihikayat din itong sumali at baka manalo ‘di lang sa local pageants at katulad ng kanyang ina ay manalo rin ito sa international pageant.

 

MAY BAGONG loveteam ang Kapuso Network na dapat abangan ng mga manood at ito ay ang tambalang KatKin na sina Kate Lapuz at Arkin Del Rosario na dating member ng XLR8 at ngayon ay nagso-solo na rin katulad ng ibang members ng defunct boyband.

Mapapanood ang dalawang GMA Tween Stars sa afternoon soap na Pyra, na pinagbibidahan ni Thea Tolentino. Baguhan man sa showbiz si Kate na mula sa angkan ng mga Lapuz na kilala sa showbiz, marami na rin daw auditions ang napuntahan nito bago nagkaroon ng regular soap opera.

Samantalang mula sa pagiging miymebro ng sikat na boyband noon na XLR8, ilang solo projects na rin ang ginawa ni Arkin na ‘di kasama ang kanyang mga kagrupo katulad ng pelikulang Pagari, When The Love Has Gone, Wapak, Walang Tulugan With The Master Showman, kung saan isa siya sa regular co-host at sa kanyang guestings sa iba’t ibang shows ng GMA-7 at TV5.

Sa ngayon, may dalang kilig ang tambalan ng dalawa sa nasabing soap at umani nga ng hiyawan at kilig  mula sa mga nakapanood ng show ni Arkin sa Isetann Cinerama Complex kamakailn nang mag guest si Kate at mag-duet ang mga ito ng isang love song.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

5 thoughts on “Rayver Cruz, nagpakain ng saging sa baklang audience!

  1. Bakit naman nagpahimas si JC de Vera sa audience..ang cheap ng style! Anong klaseng saging ang ipinakain naman ni Rayver Cruz sa mga bading…anon’g ibig nya palabasin na game syang magpakain ng sariwa nyang saging sa mga badap? Magkano sya, teh?

Leave a Reply

Your email address will not be published.