Rayver Cruz, itinanggi ang hiwalayan nila ni Cristine Reyes!

KLINARO SA amin ni Rayver Cruz na walang katotohanan ang lumabas na mga balita na break na sila ng girlfriend na si Cristine Reyes. Naging usap-usapan kasi na hiwalay na raw ang dalawa kung saan hindi malinaw ang detalye ng break-up ng dalawa, may espekulasyon ang iba na baka may kinalaman daw dito ang sobrang pagiging bukas ni Cristine sa matinding pagkaka-crush sa kapareha sa Dahil Sa Pag-ibig na si Piolo Pascual.

Inamin sa amin ni Rayver na may mga nagtatanong nga sa kanya kung ‘di ba siya nagseselos kay Piolo dahil nga crush ito ng girlfriend, ipinaliwang sa amin ng young actor na buo ang tiwala niya sa girlfriend at kahit naman siya ay nagkaka-crush sa iba na normal lang naman kahit na may karelasyon ka na. Ibinalik nga sa amin ni Rayver ang tanong kung sinong babae ba ang hindi magkaka-crush sa isang Piolo Pascual, ayon sa aktor ay ayaw niyang alisin ang pagiging inspirado ng girlfriend na mag-taping at gawin nang mahusay ang trabaho nito.

Marami rin ang nakapapansin na kung kailan daw namamayagpag ang career ni Cristine, lie low naman si Rayver. Para sa aktor, tanggap naman niya na sa kanila ng girlfriend ay mas maganda ang career nito sa kanya. Pero, hindi siya nakararamdam ng anumang insecurities para sa girlfriend. Kampante ang young actor sa sagot niya sa amin na alam niya na may talent siya, buo ang tiwala niya sa management ng ABS-CBN at hindi siya nagmamadali.

 

SA NAGING isyu dati ng away na namagitan kina Coco Martin at Matteo Guidicelli dahil sa pagseselos daw ni Matteo sa sobrang sweetness nila Coco at ng girlfriend na si Maja Salvador nang magkatambal ang dalawa sa seryeng Minsan Lang Kita Iibigin, tinanong namin ang young actor kung ‘di ba siya nakararamdam ng selos sa mga bagong kapareha ng girlfriend tulad nila Patrick Garcia at Jason Abalos sa seryeng Lumayo Ka Man sa Akin.  

Ayon kay Matteo, kaibigan niya ang lahat ng mga leading men ni Maja, pero kung nagkaroon man ng isyu ng pagseselos dati, tiyak na mayroon siyang rason. Masaya at kuntento sa tinatakbo ng relasyon nila ng girlfriend, kahit si Matteo ay sang-ayon na malaki ang naitulong ng pagiging bukas nila sa publiko.

Sa pagkawala ng Happy, Yipee, Yehey! at My Binondo Girl sa ere, masayang ibinalita sa amin ni Matteo na may isang serye siyang sisimulan anytime soon. Kapansin-pansin na umitim ang young actor. Sa ngayon, abala si Matteo sa triathlon, kung saan kamakailan ay sumali siya sa isang race at naka-second place naman.

 

SUPER ENJOY at talaga namang punung-puno ang SM Skydome last Sunday para sa birthday celebration ni Vice Ganda.  Handog para sa mga masusugid na tagahanga ni Vice, nagdagdag saya rin sa selebrasyong ito sina Jake Cuenca, Xian Lim, Enrique Gil, Bangs Garcia, Kean Cipriano, Ethel Booba at marami pang iba.

Hagalpakan sa tawa nang magbatuhan na ng mga linya sina Ethel at Vice, kung saan nagbiro ang komedyana na wala kasi siyang pera, kaya’t no choice siya kundi okrayin ang kaibigan. Kilig na kilig naman ang lahat nang lumabas sa entablado sina Xian Lim at Kean Cipriano na minsan ay na-link kay Vice.

The real Unkabogable Star, bukod sa very successful concert niya last year at itinuturing na blockbuster movie ang Praybeyt Benjamin kung saan kumita ito ng mahigit 300 million, patuloy pa ring sinusuportahan ng publiko ang Showtime araw-araw.

 

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

4 thoughts on “Rayver Cruz, itinanggi ang hiwalayan nila ni Cristine Reyes!

  1. Hahaha! Kaya lang naman talaga nagkaproject si Rayver dahil kay Cristine! LOL!
    Kung totoong hiwalay na sila! Malamang mas lalong wala na tlgang project si Rayver!

  2. syempre sa ngayon hindi pa nila aaminin para magkaroon pa ng interes ang mga showbiz people pero pag lumaon na at wala na silang pakialam, dun nila ilalabas na hiwalay na sila kasi di na nila pagkakakitaan o wala nang publicity!!!

    .

    teka nga, nag rerate ba naman ang show ng ingrata at malditang si maja salvador? natsugi na ba yung show na yun o meron pa? hindi ko kasi mapanood nood kasi tuwing nakikita ko ang paamong akting ni maja, naiirita ako kasi sa tunay na buhay, malditang feeling sikat ang hitad! wala pa namang napapatunay pero ang hangin ng dating at kung makapagsalita akala mo lumevel up na ang celebrity status eh one of those pa lang naman ang hitad! di hamak namang mas sikat at mas angat si kimchui kesa sa ingrata at malditang feeling sikat na maja!

Leave a Reply

Your email address will not be published.