Rayver Cruz is open to do project with Cristine Reyes and Sarah Geronimo

ALL’S WELL THAT ends well. Ito ang puwedeng ilarawan sa relasyon nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes who reconciled matapos magkairingan noon. At sana nga ay magpatuloy ang kanilang mabuting pagsasamahan.

Matatandaang binasag din ni Rayver Cruz ang kanyang pananahimik at nagsalita siya tungkol sa pagbabati ng dalawa. Happy raw siya para sa kanilang lahat at hindi na kailangang balik-balikan pa ang isyu.

Sa katunayan, Rayver is now willing to work with Sarah if given the chance. Huling nagkasama sa pelikulang You Changed My Life sina Sarah at Rayver kung saan gumanap sila bilang magkaibigang Laida at Macoy.

Sinabi ni Rayver na kung mabibigyan daw ng pagkaka-taon ay gusto niyang makasama sina Sarah at ang girlfriend niyang si Cristine sa isang project. Sa isang interview with Showbiz News Nga-yon (SNN) ay sinabi niya, “Maganda ngayon dahil tapos na ang isyu. Wala nang tensyon. Masaya ako para sa aming lahat.”

Ano kaya ang masasabi tungkol dito nina Sarah at Cristine? Pumayag kaya sila kung magkaroon nga ng offer na project para sa kanilang tatlo? Magkaroon kaya sila ng ilangan kahit pa sabihing magkabati na silang lahat?

At gaya ng nauna niyang sinabi ay inulit ni Rayver na masaya siya that everything is now okay between him and Sarah. “Oo, sobrang (happy) kasi sobrang tagal ko nang gustong  maayos ang nangyari, ang kaguluhang iyon. So ngayon ay okay na okay na talaga” sabi niya.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

3 thoughts on “Rayver Cruz is open to do project with Cristine Reyes and Sarah Geronimo

  1. stalker yan si bianca di ba kasi yung nasa tagaytay sila k c at then boyfriend lino ay pumunta din si bianca then yung nag hong kong si k c at lino pumunta din siya with mariel at toni
    i do not under stand bianca gonzales she kept on sying that she is proud of her morena skin tone pero itim naman siya

  2. boy abunda has a lot to do with the falling of the ratings on abs can it is like almost all of his alaga are given so much opportunity talaga on that net work wala bang paak si charo santos to tell boy abunda . as in like bianca gonzales na pa rati mag clap ng hands tuwing mag salita at masyadong gumagaya maging bubbly ka gaya ni mariel ay hindi naman gusto ng mad lang pipol ay pilit binibigyan ng projects . ka lurky akala namin gusto mag work sa disney channel ni bianca pa rinig pa nga niya ito sa magazines . mag thirty na nga siya waley pa nga siya sa disney may be hindi siya tinag gap dahil kapag mag salita na siya clap siya ng clap ng handsv niya watch her old hosting shows at you would notice clap siya ng clap after every sentence talk in a sentence then pak then talk in a sentence then pak ulit so annoying

  3. Boy Abunda, kawawa naman ang T”UM, My Pledge of Love. Ano ngayon ang masasabi mo. I do believe that you have a lot to do with the demise of Robin and Toni’s movie project. Gusto mong isingit ang alaga mong si Mariel. Pati sa Pilipinas Win na Win, akala mo, magiging bida sila, pero, PALPAK naman. Sayang, lumipad ang malaki mong commission. I never see or hear you stand up for what is right. Palagi kang neutral dahil takot ka. Pero pagdating sa alaga mo, maski sino ang masagasaan mo, tira lang. Ano ngayon, KARMA. Dapat alisin na rin si Mariel sa Happy Yipee Yehey. Nakita namin ang OUTBURST NIYA KAHAPON NANG SIYA ANG MAGTAKEOVER NANG SPOT NI JOHN ESTRADA. NAGALIT SIYA DAHIL HINDI MAINTINDIHAN NANG CREW ANG GUSTO NIYANG IPAGAWA. PAPAANO, SIYA ANG LAGING UTAL AT PALPAK PA ANG PAGHOHOST NIYA. KAKAHIYA.

Leave a Reply

Your email address will not be published.