Rayver Cruz: ‘Here I stand’ sa Usher concert!

Naging masaya ang concert ni Usher sa Mall of Asia concert grounds noong July 9, 2010. Iba’t ibang stars at celebrities ang um-attend at nakiparty sa event. Ilan sa naispatan ng ating lente ay ang magkapatid na sina Rodjun at Rayver Cruz.

Ayon sa kuwento ng ating source eh, may ka-date daw ang ating celebrities. At nang papasok na sila sa entrance ng concert eh, ayaw silang papasukin dahil wala silang ticket. Pilit na kinokontak daw ni Rayver ang kausap nila sa loob na si ‘Radha’ para sa ticket pero ‘di naman daw niya makausap. Hanggang sa nangalahati na ang concert eh, nasa labas pa rin daw sila. Good news na sana nang lumabas si Radha, pero ayon sa aming source, ang ticket na dala niya eh, ibinigay sa press people na nasa labas din. Nakalimot yata!

Ano na kaya ang nangyari pagkatapos? Nakapasok pa kaya sila?! Naku, sayang naman! Sayaw na sayaw pa naman ang idol kong si Rayver Cruz!

By Jet Bentulan

Parazzi Wires Photos

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

One thought on “Rayver Cruz: ‘Here I stand’ sa Usher concert!