Raymond Gutierrez, willing to undergo drug test

Oh My G!
by Ogie Diaz

KUNG MERON MANG isang tv host kaming hinahangaan aside from Kuya Boy Abunda, ‘yan ay si Raymond Gutierrez. Natandaan mo pa, dear Ed, ‘yung sinulat namin dito, ‘di ba?

Pag naglalatag na ng opinyon si Raymond, ang galing-galing niya. Very clear ang message at very articulate. Hindi man namin napanood, eh, nag-explain na si Raymond sa Showbiz Central ng kanyang panig tungkol sa kissing video niya na nakuhanan ng TV Patrol World kung saan pinupupog niya ng halik sa leeg ang kaibigan niya palang si Carla Humpries.

Agad ding nilinaw ni Raymond na ginawa niya ‘yon kasi magkaibigan sila at hindi siya naka-drugs. At never daw siyang nag-drugs. Kung mag-i-insist pa ang ibang tao, eh, willing din naman daw siyang magpa-drug test.

Ito ay para i-prove talaga sa mga nagdududa na siya’y nagdodroga.

SO, MALINAW ANG explanation ni Raymond, hindi siya nagdodroga. So kung ‘yun ang pagbabatayan, mali ang nagsabi sa aming isang source na “may karga” si Raymond na dahil gusto namin bilang host si Raymond, hindi namin siya hinusgahan.

Ni hindi nga namin binanggit (sa isa naming kolum sa ibang diyaryo) kung ano ‘yung “may karga,” dahil mas gusto naming kay Raymond mismo manggaling ang paliwanag, dahil naniniwala kaming magaling magsalita si Raymond at very sensible.

Tama naman siya. Kung siya’y nagdodroga, ba’t hindi siya pumapayat?

May sinabi pa ang aming source sa amin, pero hindi na namin pinakinggan. Tama na ‘yung nagpaliwanag si Raymond. At naibigay niya ang kanyang panig.

GUSTO RIN NAMING linawin dito sa aming kolum na kung “na-misinterpret” ni Tita Annabelle Rama ang isinulat namin sa aming kolum, may magagawa pa ba kami?

Lahat ng pagmumura niya sa amin na gusto pa niya kaming mamatay na at bababaan ng telepono, dinala namin sa simbahan ng Pink Sisters sa New Manila at doon na lang namin pinag-pray si Tita Annabelle.

Pinagdasal namin na sana, lalo pang humaba ang kanyang buhay, dahil alam namin kung gaano siya kadakilang ina sa kanyang mga anak.

Hindi namin siya isinumpa o itinirik ng itim ng kandila, dahil naniniwala kami sa law of karma. Saka buti kamo, ang tagal na namin sa showbiz. Kilala na namin si Tita Annabelle ‘pag nagalit.

Sabi nga namin sa ilang kaibigan, ‘pag si Ms. Gloria Romero ang nagtaray sa amin, baka ma-tense pa kami. Si Tita Annabelle, bulaklak na lang ng dila niya ang mga pagmumura at panunumbat.

Dahil naniniwala kami, ganyan lang ang image niya sa showbiz. Pero kung minsan, malambot din ang puso niyan. Ang galit sa amin ni Tita Annabelle ay ipinagdasal na namin. Pasasaan ba’t maiintindihan din niya ang aming “concern” kay Raymond na isinulat namin sa Tagalog para mas maunawaan ng nakararami.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi mula Lunes hanggang Biyernes sa Wow! Ang Showbiiiz! sa DWIZ 882AM Band o ‘di kaya ay mag-log on sa www.dwiz882.com para makasagap kayo ng latest chika, 11-12nn.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.