Raymond Gutierrez, gusto na ring maging Kapamilya?

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka. Hahaha! Ayan, simulan na natin ang chikka at ‘wag nang magpatumpik-tumpik pa! Fresh na fresh ang chikka ko! Kaloka, as in, mabubuwang ako sa Earth!

Noong Monday morning at around 11am, sa bakuran ng ABS-CBN, nakita ko mismo ng aking two naked eyes itong si Raymond Gutierrez at take note, ang dating stylist ni P-Noy at dating GF ni John Lloyd na si Liz Uy.

Kaloka ulit dahil muntik ko nang mapagkamalan na si Richard Gutierrez na aking pinagpapantasyahan, dahil napakaganda na ng katawan ngayon ni Raymond at lalaking-lalaki ang dating at mukhang mudra na lang niya si Liz. Wa etching ‘yan, ha? Kaya nawala na sa aking pakiwari ang sinasabing may bahid-berde ang kanyang gender.

Pero teka, ano nga ba ang ginagawa ni Raymond sa ABS-CBN? May naaamoy na naman akong something fishy. Itanong na lang ninyo kay Iza Calzado na isa na ring Kapamilya.

Naku, marami na talaga ang naglilipatan. Eh, ‘di ba, mukhang lilipat na ang bestfriend ni Raymond na si Bianca King. Hahaha! Baka maganda ang offer?

AT ANOTHER chikka naman, speaking of mudra ni Raymond, halos mawalan ako ng ulirat sa nakaraang hearing nu’ng Monday rin sa San Juan RTC ng kaso nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro. Ang cheap, parang walang modo ang mga pinaggagawa sa publiko. Pero sa loob ng court, walang kibuan ang dalawang kampo na tila hindi sila magkakilala.

Pero nu’ng bumaba na sila, hinintay ni Annabelle si Nadia na bumaba at kung anu-anong malalaswa ang mga pinagsasabi ni Annabelle kay Nadia.

Pinayuhan si Nadia ng kanyang abogado na ‘wag na munang bumaba, at magsasampa sila ng panibagong demanda na paninirang-puri.

Pero teka, sino ba sa dalawang ito ang may puri? Kung ako ang tatanungin n’yo, si Nadia. Sa mga hindi nakaaalam, utang ko kay Nadia ang aking two naked eyes. Kasi kung hindi dahil sa kanya, puwede na akong tawaging Swarding Bulag.

Sandali lang, mukhang hindi nagpaparamdam ang 3 elepanteng tinawag ni Annabelle na si Daisy Romualdez, Amalia Fuentes at Divina Valencia. Bakit wala at hindi kasama ni Nadia. Sa bagay, hindi naman sila masyadong involve dito. Kaloka!

BLIND ITEM: Speaking of elepante, marami ang nagtataka kung bakit itong mga asawa ng mga pinagkakaguluhan dati ng mga kolehiyala ay parang naghahabol sa dati nilang mga dyowawa at magkasama na sila sa iisang bubong.

Take note, hindi sa bahay ni Kuya, kundi sa station. Nakakaloka naman kasi ang isang dating mag-ex. Hahaha! Sa Kapatid ang isa, at sa Kapamilya naman ang isa. As if naman babalikan pa sila ng mga ‘yun. Kaloka naman talaga! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleLovi Poe, focus daw muna sa career!
Next articleSitti, tali ang puso sa musika

No posts to display