Raymond Bagatsing, hubo’t hubad sa bahay

Raymond-BagatsingNATAWA NANG malakas si Raymond Bagatsing nang aminin sa ilan press na hindi pa rin nagbabago ang nakagawian niya na maghubad sa loob ng kanyang bahay, as in wala talagang saplot sa katawan.

Katuwiran ni Raymond, wala naman daw nakakikita sa kanya dahil wala siyang kasama sa bahay. Isang paraan na rin daw ng healthy living ‘yun na minsan ay tanggalin ang lahat ng nakasabit sa katawan at hayaang huminga ang balat.

Take note, kahit daw sa kanyang pagtulog ay wala siyang saplot sa katawan. At natawa nang biruin ng ilang press na masuwerte raw makakikita sa hubad na katawan dahil napanatili nito ang kaguwapuhan at ganda ng katawan.

In fairness, sa edad ni Raymond ngayon, parang hindi ito tumatanda. Malaking tulong daw ang positibong pananaw niya sa buhay, ang pagyo-yoga at pagiging vegetarian.

Nagtuturo nga raw siya ng yoga sa mga piling-piling estudyante dahil busy siya sa pagti-taping. Wala raw siyang pakialam kung may makakita sa kaya na nagyo-yoga sa kahit saang lugar at oras. ‘Yun daw ang ginagawa niya kapag nakaramdam siya ng stress.

Kung sakali naman daw na magkakaroon siya ng girlfriend ay mas maganda na pareho sila ng livestyle.

Samantalang this time, desidido na si Raymond na magtayo ng school for the performing arts kung saan may acting class, dancing, singing, atbp. Gusto kasi niya na ibahagi ang natutunan niya sa pag-aaral ng performing arts sa States noong hindi pa siya nagbabalik ng ‘Pinas.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Raymond Bagatsing, hubo’t hubad sa bahay

Leave a Reply

Your email address will not be published.