Raymart Santiago, may malaking pasabog na ikagugulantang ni Claudine Barretto!

Raymart-Santiago-Claudine-BarrettoHINDI PALA namin naere sa Startalk ang exclusive interview namin kay Claudine Barretto. Marami siyang sinabi roon, pero madamdamin ang mga pahayag nito tungkol sa kanyang mga kapatid na nakaalitan niya.

Sabi ni Claudine, tingin daw niya malabo na raw silang magkaayos pa. Pero wala raw siyang galit sa mga anak nina Marjorie at Gretchen Barretto. Nami-miss na raw niya ang mga ito at mahal na mahal pa rin daw niya ang mga pamangkin niya.

Hiwalay naman daw ang mga bata sa isyu nilang magkapatid kaya mangiyak-ngiyak ito nang hiningan ng Startalk ng mensahe para sa mga pamangkin niya.

Hindi rin pala siya nagkomento tungkol sa binabalak daw nitong pag-file ng annulment case. Hindi pa raw muna puwede ngayon dahil iniisip pa raw niya ang mga anak niya na panibagong trauma na naman daw ito sa kanila. Kaya hindi pa raw muna nila ito gagawin.

Eh, paano kung si Raymart ang mag-file ng annulment?

Naku ha! May narinig akong may binabalak daw si Raymart na pasabog na tiyak na ikagugulantang ni Claudine.

Wala kong ideya kung ano ‘to. Kung matutuloy daw ito tiyak na malaking balita at pag-uusapan na naman silang mag-asawa.

Hay, naku! Hindi pa rin ito natatapos.

Claudine-Barretto-Raymart-Santiago

AYAN, BREAK na raw sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado! Panibagong break-up na naman itong susubaybayan natin, dahil hindi pa nagsasalita ang dalawa kung ano talaga ang dahilan ng hiwalayan.

Ang nakaaawa, si Jennylyn dahil siya agad ang inintriga sa break-up nila ni Luis. May lumabas agad na intrigang nalaman daw ni Luis na nakipag-date si Jennylyn kay Dennis Trillo kaya nag-break.

Itinanggi naman ito ng kampo ni Jennylyn dahil malabo raw na mag-date ang dalawa dahil ‘di naman naging friends ang dalawa. Nagkabati raw sila at minsan nagkakausap kapag nagkikita sa Sunday All Stars, pero hindi naman nag-date.

Nu’ng guest nga namin si Dennis sa Startalk nu’ng Sabado, nasingit kong itanong sa kanya ‘yan at pabiro na lang ang sagot niya.

Nakahihiya raw kay beh niya na si Tom Rodriguez dahil kasama pa naman niyang nag-promote doon ng album tapos intriga kay Jennylyn ang pag-uusapan.

Nu’ng hinarang nga ng mga TV crew si Dennis para interbyuhin, umiiwas ito. Siyempre, ayaw naman niyang makisali sa gulo ng dating magkasintahan. Naintindihan naman namin si Dennis kung bakit ayaw niyang magsalita tungkol diyan.

In fairness kay Dennis, huh, kahit beking-beki ang pagbebenta sa kanya sa My Husband’s Lover, hindi mo talaga mapagdudahan ng kabadingan dahil lalaking-lalaki naman talaga siya.

‘Di ba pati sa break-up nina Derek Ramsay at Cristine Reyes, siya rin daw ang dahilan. Pero hindi na ito sinagot ni Dennis, at dedma na lang siya sa intrigang ‘yan.

Alam ko ‘tong linggong ito ay magkakaroon ng story conference ang bagong programa ni Jennylyn na may tentative title na Madame X. Kasama raw niya rito sina Mark Herras at Mark Anthony Fernandez.

Tamang-tama, puwede talagang intrigahin uli sina Jennylyn at Mark, dahil pareho silang single.

Balik tayo sa isyung break-up, inaasahang magsalita na sina Luis at Jennylyn kung bakit sila naghiwalay.

Sana handa na rin si Jennylyn magsalita dahil ang sabi sa amin, sobrang apektado raw ito at iyak daw ito nang iyak.

Kaya nga sinasabihan na siyang, sana tama na muna ang magka-lovelife. Mag-focus na muna siya sa kanyang pamilya at sa kanyang career.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Raymart Santiago, may malaking pasabog na ikagugulantang ni Claudine Barretto!

  1. Ms Lolit I’m sure you can read and forward this to Raymart, you have lots to say about Claudine however remember she’s still the mother of your children especially Santino..we find you very ungentle man plus you sounds like a woman…better if you will settle this family matter privately…Godbless!

  2. Tigilan na sana ng mag-asawang ito ang mga pasabog nila. Isipin na lang nila kung papanong naapektuhan ang kanilang mga anak sa mga ginagawa nila … At ito naman si Raymart, tinalo pa ang bakla na putak ng putak.

    • Totoo, Raymart wag kang pagagamit Kay Gretchen dahil Di yun masaya sa buhay Niya..isipin mo si Cesar montano napaka gentleman..

Leave a Reply

Your email address will not be published.