Raymart Santiago kay Claudine Barretto: ‘May kakayahan siyang gumawa ng kuwento’

KAHAPON, JULY 30, Nagsalita na si Raymart Santiago laban sa mga akusasyon ng asawang si Claudine Barretto.

Sa statement na ipinadala nito sa Balitanghali ng GMA News TV, sinabi ng actor na matagal na raw siyang nanahimik pero napilitan na siyang sumagot ngayon para na rin daw sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Hindi rin daw totoong inabuso niya si Claudine na siyang ina ng kanilang mga anak.

At bilang ama, hindi raw gagawa si Raymart ng mga hakbang na ikapapahamak ng mga bata. Hindi rin daw pinagbuhatan ng mga kamay ni Raymart si Claudine at marami raw ang makapagpapatunay nito.

Sa huli, itinanggi lahat ni Raymart ang mga bintang laban sa kanya.

Narito ang buong pahayag ni Raymart:

“Matagal na akong nanahimik pero dahil sa mga mapanirang akusasyon na ibinabato sa akin, napilitan akong sumagot para na rin sa kapakanan ng mga nak namin.”

“Walang katotohanan na inabuso ko ang ina ng mga anak ko. At bilang ama, hindi ako gagawa ng hakbang na ikapapahamak ng mga anak ko. Hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Maraming mga nakakakilala sa akin na makakapagpatunay niyan.”

“Marami rin ang makapagpatunay na may kakayahan siyang gumawa ng kuwento.”

“I strongly deny her accusations. Lalabas din ang katotohanan. Sasagutin namin ang lahat sa korte sa tamang panahon.”

Nakakapanghinayang naman ang mala-fairy tale na love story nila na ngayon ay nauwi na sa demandahan at batuhan ng kung anu-anong akusasyon. Saan kaya hahantong ang kuwentong ito? Sana lang maayos ito kaagad dahil may dalawa silang anak na maaaring maapektuhan sa kanilang hindi pagkakaunawaan.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.