Raymart Santiago, inilalaban ang karapatan sa mga anak

NAGKITA NA pala sa korte sina Raymart Santiago at Claudine Barretto nu’ng kamakalawa ng hapon lang.

Nagkaroon ng hearing ng Temprorary Protection Order na isinampa ni Claudine laban kay Raymart sa Marikina Regional Trial Court.

Pero nu’ng araw Ring ‘yun, nag-file naman si Raymart ng Habeas Corpus para naman sa custody ng mga anak nila.

Sabi ni Raymart, matagal na raw niyang ‘di nakikita ang mga bata at ipaglalaban daw niya ang karapatan sa mga bata.

Mabuti nga kahit papa’no, nagsalita si Raymart sa media na nag-cover ng hearing na ‘yun, dahil siya lang talaga ang pinakatahimik sa lahat.

Pero hindi naman sila puwedeng magsalita para sa kaso dahil may gag order.

Sinamahan si Raymart ng mga kapatid niyang sina Rowell at Junjun Santiago. Si Claudine naman ay kasama ang abogado niya, at hindi naman sila nagsalita.

Pero ang drama ni Claudine, iyak siya nang iyak nang lumabas ng korte.

Pero ang tingin ko naman diyan, mas marami ang nakisimpatiya kay Raymart dahil tahimik lang naman talaga ito.

Si Claudine naman madalas na nasasangkot sa gulo, at si Raymart pa nga ang napapahamak dahil sa mga gulong pinasok niya.

Anyway, ang sabi raw mabilis lang madesisyunan itong habeas corpus na isinampa ni Raymart.

Malalaman kung mabibigyan siya ng custody para sa mga anak nila ni Claudine.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.