Raymart Santiago, hinihiling na ipagdasal si Claudine Barretto

Claudine-Barretto-Raymart-SantiagoKUNG HINDI na patungo sa muling pagkabuo ng kanilang relasyon bilang mag-asawa ang kahahantungan ng naging alitan nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, masasabing sobrang kahanga-hanga ang ginawang pagpipigil ng actor para huwag na lang siyang makapagsalita kontra sa mga pag-iingay ni Claudine tungkol sa kanilang mga problema. Hindi talaga kinakalimutan ng utol ni Randy Santiago na anuman ang mangyari, ina pa rin si Claudine ng kanyang mga anak.

Lagi namang may pasabog si Claudine para bulabugin ang kampo ni Raymart. Pero sa dating ng mga pangyayari, nagiging katawa-tawa na lang ang bunsong kapatid ni Gretchen Barretto, dahil mas marami ang nagsisimpatiya kay Raymart.  Marami ang nagpaparating kay Raymart ng mga salita ng kanilang higit na pagkaawa kay Claudine, dahil parang windang na windang na ang buhay ng dating sikat na aktres ng ABS-CBN.

Marami ang naaawa kay Raymart, dahil kahit hiwalay na sila ni Claudine at patuloy pa silang nagbabatuhan ng galit, halatang hindi ikinatutuwa ng actor. Na ngayon ay marami nga ang nanlalait sa kanyang ex-wife na sa halip na muling maasikaso ang kanyang lumaylay na kasikatan, puro galit sa pagpapainterbyu ang inaasikaso. Napapailing na lang ang marami kapag si Raymart mismo ay humihiling sa ibang tao na ipagdasal na lang si Claudine dahil sa mga kaganapan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Raymart Santiago, hinihiling na ipagdasal si Claudine Barretto

  1. What a shame and a waste, Clau is a very good actress. I remember her movie with Rico yan, I think it was Got To Believe?

  2. nyahahahah tsk tsk kawawa na nga si Clau Clau mukhang Krung Krung na nga,,pati pala sa Celphone kunyari may tatawagan at malakas na mag uusap kunyari yun pala wala palang kausap sa phone hahhahah pati pala sa pagkain pinag hihinalaang may lason hahaah, may gusto raw lumason sa kanila,,,ano ba yan…hahahaha

  3. Pingback: Raymart Santiago, hinihiling na ipagdasal si Claudine Barretto - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.