Raymart Santiago, ‘di raw kailangang mag-react sa ‘pasabog’ ni Claudine Barretto

Raymart-Santiago -Claudine-BarrettoISANG PRESS statement ang pinadala sa amin at sa Cinema News ni Atty. Ruth Castelo tungkol sa mga nilabas na larawan ni Claduine Barretto, kung saan may mga pasa ito at paso sa kanyang hita. Sinabi pa niya sa interview niya na battered wife siya at alam niyang dapat na siyang lumabas para makatulong na rin sa mga katulad niya na biktima ng pisikal na pang-aabuso mula sa mga napangasawa nila.

Ayon sa kampo ng aktres, wala silang diretong pangalan na nilabas kung kaya’t nagtataka sila kung bakit sobra ang reaksyon ni Raymart at kampo nito tungkol sa isyu.

Heto ang nilalaman ng press statement ng kampo ni Raymart, “Any reference to Ms. Barretto as a battered wife in any language, manner or from logically attributes the battery to her lawful husband, Mr. Raymart Santiago, unless they will insist that the marriage is fake, in which case, they should refrain from using the term, “battered wife.”

If they now claim that they not pertained to Mr. Santiago as the one who caused the battery to Ms. Barretto , then she must be somebody’s else wife, or they should start referring to her as a battered person.”

Nakausap din namin si Atty. Ferdinand Topacio, abogado naman ni Claudine at ayon dito ay bukas naman na aklat na may ganitong kaso sila na sinampa laban sa aktor. Napag-usapan din ang tungkol sa isyu ng pinansyal na obligasyon ni Raymart sa mga anak na sila satino at Sabina, para sa abugado ang pagbibigay ng sustento sa mga bata ay hindi kaylanman dapat maging legal kungdi isang moral na obligasyon ng isang ama sa kanyang mga anak.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.