Raymart Santiago at Claudine Barretto, patuloy na naglalabasan ng baho

MAGPAPA-PRESSCON DAW si Claudine Barretto bukas para sagutin ang mga huling pahayag ni Raymart Santiago.

Pagkatapos daw ng presscon na ‘yun, meron na naman daw itong ipa-file na panibagong kaso laban sa aktor.

Hay, naku! Wala nang katapusang demandahan ‘yan!

Sabi nga ni Raymart, hindi raw siya natutuwa sa mga nangyayari, pero wala raw siyang magawa. Dahil sina Claudine din daw ang nagtulak sa kanya na gawin at sabihin ang lahat na mga nangyari sa kanilang mag-asawa.

Hindi lang daw ‘yun ang inilabas niya kundi meron pa raw siyang nakatago pang ebidensya laban kay Claudine.

So, talagang naglalabasan na sila ng baho. Hanggang saan matatapos ‘yan? ‘Yan na ba ang kalalakihan ng mga anak nila?

Mabuti pa sina Cesar Montano at Sunshine Cruz, hindi na umabot sa ganu’n dahil hindi na rin naman pinapatulan ni Cesar ang mga sinasabi ni Sunshine.

Inako naman niya ang mga pagkakamali niya kaya nga raw simba siya nang simba dahil bahala na raw ang Diyos ang maghugas sa mga nagawa niyang kasalanan.

Nakakaloka na! Patuloy pa rin ang drama ng mga mag-asawang ito na sinusubaybayan naman natin.

 

MABUTI PA ang dalawang tungril na sina Charice at Aiza Seguerra, masayang-masaya sila sa lovelife nila.

Nu’ng nakaraang Power of 2 concert daw nila na ginanap sa c nu’ng nakaraang Sabado, proud na proud daw ang dalawa na in-open ang lovelife nila.

Si Aiza, nandu’n ang dating beauty queen na si Liza Diño at inalayan niya ito ng kanta.

Si Charice naman ay nag-duet pa sila ni Alyssa Quijano. Kaya tuwang-tuwa ang mga “tung dynasty” na nanood du’n dahil talagang proud na proud ang dalawa sa kanilang katomboyan.

Sabi nga ni Aiza, empowerment daw ‘yun at wala raw pinipiling gender o ano man ang pag-ibig. Basta ang mahalaga, masaya sila at in love sila. O, ‘di ba?

Pero hindi napigilan ni Charice na maiyak nang nabanggit ang kanyang magulang lalo na ang kanyang Mommy na nami-miss na niya.

Kaya madrama rin ang concert na ‘yun ng mga tungril, ha!

 

CONGRATULATIONS NAMAN kay Megan Young sa pagkapanalo nito bilang Miss World 2013 na ginanap sa Indonesia nu’ng nakaraang Sabado.

Siya ang kauna-unahang Pinay na Miss World kaya malaking karangalan ito sa ating bansa.

Sana kahit papa’no, mapagtakpan ang mainit na isyu ng prok barrel itong pagkapanalo ni Megan.

Abangan n’yo na lang sa Startalk sa Sabado ang kuwento namin sa pagkapanalo ni Megan.

Sana live namin siyang ma-guest. Bongga!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Raymart Santiago at Claudine Barretto, patuloy na naglalabasan ng baho

  1. HOY LOLITA KAMUSTA NA ANG ALAGA MO NA SI SHALANI SOLEDAD?NINANG NYA PALA SI NAPOLES.TOTOO BA NA MAY ANAK NA SI SHALANI SA PAGKA DALAGA?

    • si lolita sabi naglalabasan ng baho maryosep ! sa kanya ubos na baho mo lolita! sa kakaharbat mo lang!  kaloka  kung makapangbara ka kay butch francisco  ganon ganon l;ang mahiya ka sa sarili mo dahil may dignidad pa sayo si buch  kuha mo!   kung ako gma   ikaw ang tatangalin ko   at pamimiliin  sa inyo ni buch francisco nanankot kapa  sasabihn  mo bakla si butch ano ngayon bading?   wal namng tinatapakan at pinagnanakawan tanga!  nilalakad ka lang ng  alalga mo na   mo action star nga mabilis  kumuha ng pera para hind ka matangal ! kakakahiya ka kumpara mo sarili  mo kay butch   pader ang mukha mo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.