Raymart Santiago at Claudine Barretto, asahan na ang matinding bakbakan sa korte!

MAS MATINDI pala itong buwelta ni Raymart Santiago kay Claudine Barretto na nagsampa sa kanya ng Anti-Violence Against Women and Children.

Kumpleto ang mga ebidensyang nakapaloob sa counter-affidavit niya na isinumite kamakailan lang para mapatunayang hindi niya inaabuso o sinasaktan si Claudine, sa halip siya pa nga raw nabugbog at nasaktan.

May mga litrato pa siya na mugto ang mata, gula-gulanit ang damit na parang siya pa ang sinasaktan ni Claudine.

Ang mas matindi pa, may video pa siya at litrato na kuha ng mga kasambahay niya na talagang nagdu-droga raw si Claudine.

Nu’ng nag-file nga si Raymart ng counter-affidavit niya, kasama nito ang ilang kasambahay niya na nagkuha raw ng mga ginagawang pagdudroga umano ni Claudine.

Ang matindi pa, pati sina Gretchen, Marjorie at ang kapatid pa nilang si JJ Barretto, meron ding statement na nagsasabing mentally-ill daw si Claudine.

Kaya lang, hindi yata ma-interview si Gretchen tungkol diyan dahil nasa London ito ngayon para ihatid si Dominique na mag-aaral du’n.

Kaya matinding bakbakan sa korte ‘yan, dahil tiyak na may sagot din diyan si Claudine.

Matagal pa ‘tong drama ng mag-asawang ito.

Baka nga kalakihan na ito ng dalawang anak nila na nadamay sa gulo nila.

Hay, naku! Merong kuwento diyan ang Startalk kaya abangan n’yo na lang bukas!

 

MAY SPECIAL feature din pala kami sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash na karamihan sa mga tinilian nang husto roon ay mga Kapuso hunk natin.

Super tili ang mga fans sa tandem nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo na sobrang sanay na sanay na sa kanilang loveteam, huh!

Suportado pa sila roon ni Carla Abellana na tuwang-tuwa rin sa pagrampa nila. Kaya nagpapasalamat sila sa suportang ibinigay ng aktres.

Sa October 11 na pala matatapos ang My Husband’s Lover at kasunod nito ay ang malaking concert nila na gagawin sa Araneta Coliseum sa October 12.

Hindi naman nasuportahan ni Kris Bernal si Aljur Abrenica na isa rin sa tinilian nang husto sa Cosmo Bachelor Bash.

Mas okay sana kung nandu’n din si Kris para promo na rin sa programa nilang Prinsesa ng Buhay Ko.

Ang pumunta pala du’n ay si Kylie Padilla na nagbigay-inspirasyon lang kay Aljur, pero hindi na siya nanood.

Ayaw na raw kasi ni Kylie manood ng mga rumarampang lalaking nakahubad. Tama na sigurong si Aljur lang ang nakikita niya. Kaloka!

Si Alden Richards naman pala ang finale ng show at daring din ang ginawa niya.

First time nga raw niyang rumampang naka-sexy shorts at naglandi-landi pa yata du’n ng isang girl.

At least bongga ang mga Kapuso hunks natin na bidang-bida sa nakaraang Cosmo Bachelor Bash na ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Raymart Santiago at Claudine Barretto, asahan na ang matinding bakbakan sa korte!

    • HAHAHAHA. NAKOH TEH, PAREHONG BALIW AT BAYOLENTE YAN. YUNG ISA, IKULONG SA CITY JAIL, TUTAL NAGING ACTION MOVIE NYA NAMAN YON, DI BA NOEL JUICO? YUNG ISA NAMAN, IKULONG SA BASEMENT NG MEDICAL CITY O MAKATI MED, WITH MATCHING TUROK NG PAMPAKALMA. HAHAHAHA

  1. Walang puso din si Raymart ,pareho kayong magasawa mentally impaired, imagined ha !vinideo nya yun asawa nya.Does it mean?matagal na nya plano ito,maybe? para totally makuha na nya lahat pera ni Claudine,udong tirhan mo naman parents ni Claudine

    • tangek! may kakayahan kasi si claudine na maggawa ng storya kaya lahat dinukomento niya at kilala niya na ang aswa niya no… makahusga ka kay raymart parang ang tino ng idol mu,,, kitang kita na nga na dinadawit niya lagi sa iskandalo si raymart kay claudine kaprin sus anu pinakain sayo ng taong yan, jusme kadiri ka naman claudinian kaparin kahit nagdodroga at may mental illness???kadiri kayong idol si claudine.. si raymart ang nagsasabi ng totoo… saka nagpasiklab lang nito eh si claudine makikita nmn na nung una ayw  sumagot ni raymart sa mga interviews kasi ayaw niya nang plakihin.. eh ang bwisit niyong idol pinalaki ang sitwsyon sa takot ilabas ni raymart ang ebidensya… gumawa na ng kung anu anung kwento…. kahit sinung makabasa nito murahin mu man ako di ako afected kasi… tanga ka bat ka pumapanig sa adik….hahahahhaha…… go to hell …

    • Paniwalang paniwala ang mga panatiko ni claudine sa mga hinabi nyang storya sa inyo ubod kaya ng sinungaling ang babaing yun. Hindi raw sinisiraan e ano yang mga pinapakalat mo sa fans mo na si raymart ay magnanakaw, inutil walang silbi at kung anu ano pa grabe ung makalait at makahusga sa asawa akala mong ubod sya ng linis sa pagsasama nila.

    • THE END OF IT ALL…WALANG CAREER NA BABALIKAN SI CLAUDINE…KARMA RIN YAN SA GINAWA NYANG PAGLAYAS SA ABS CBN. AT LEAST DI NAMAN SYA IIWAN NG NANAY AT TATAY NYA. YUN LANG KASI NAGTITIYAGA SA KANYA. HOW SAD.

      • Look at Mel Tiangco na nilayasan ang ABSCBN at nagkademandahan pa. O di ba panalo si Ateng Mel? Kaya wala sa karma chuva yan teh! Chaka lang talaga ang attitude ni Klaw kaya kahit saang network yan pumunta, machachaka’t machachaka rin ang career!

  2. WALA NANG BAGO DITO SA KASO NI CLAUDINE. EXPECTED NA YUNG RESTBACK NI RAYMART. CLAUDINE ASKED FOT IT AND SHE GOT WHAT SHE DESERVES. SO SAD FOR THIS INSANE WOMAN WHO CANNOT ANYMORE SEE REALITIES. DELIRIOUS THAT SHE CANNOT. SEE WHO HER TRUE ENEMIES ARE.

  3. OF COURSE, MAS MARAMI MGA KAPUSO ANG RUMAMPA SA COSMO. THAT WAS THEIR TIME TO SHINE…ERR..TO SELL. ADDITIONAL INCOME FOR THOSE MEASLY SALARIES. SAYANG YUNG 50K FOR A GOOD DEAL.

    • Ateng, wala talagang rarampa sa mga kapamilya jan dahil puro mga PAMINTA! Ang ending, mga male starlets na lang ng Dos ang umeksena. hakhakhak!

      #Justice4AbscbnUnpaidEmployees

Leave a Reply

Your email address will not be published.