Ray J, itinanggi ang sex tapes & photos nila ni Whitney Houston!

ITINANGGI NG kampo ng R&B singer na si Ray J ang umano’y koleksiyon nito ng mga photos at mga X-rated footage kasama ang namayapang diva na si Whitney Houston.

Ayon sa rep ni Ray J, hindi raw totoo ang kumakalat na balita tungkol sa singer at kay Whitney. Maaaring pakana lang daw ito para mabenta ang isang sikat na magazine na naglabas ng balita.

Ayon sa magazine na naglabas ng balita, plano raw ng R&B Singer na “pagkakitaan” ang mga nasabing explicit photos and videos.

Nabalitang nagkabalikan daw ang R&B singer at si Whitney matapos silang makitang magkasama sa Hollywood ilang araw bago namatay ang Diva noong February.

Hindi lang ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa ganitong uri ng sex tape scandal si Ray J. Matatandaang naging top-selling celebrity sex tapes of all time ang sex scandal nila noon ni Kim Kardashian na pumutok noong 2007.

PAGKALALAKI NI PRINCE WILLIAM, KALAT NA KALAT SA INTERNET!

 

KALAT NA kalat na sa internet ang larawan ng heir to the monarchy na si Prince William habang umiihi sa isang fence na kita ang ‘ulo’ ng kanyang pagkalalaki.

Lumabas sa site ng celebrity blogger na si Perez Hilton (perezhilton.com)  ang mga kuhang larawan ng “pagkalalaki” ni Prince William pero balitang nag-crash na raw ito. Pero dahil sa dami ng mga links na puwedeng pagkunan ay nanatili pa ring kalat ito sa internet.

Kamakailan lang ay gumawa ng headline si Prince William sa pagkaka-link niya sa hiwalayang Paris Hilton at boyfriend nitong si Benji Madden, subalit itinanggi ni Paris ang balita at si-nabing inlab pa rin siya ngayon sa kanyang boyfriend.

 

CHRISTINA AGUILERA, WAS A TOTAL BITCH! – THE WANTED

 

“SHE MIGHT not be a bitch in real life, but to us, she was a total bitch. She just sat there and didn’t speak to us. Wouldn’t even look at us,” ito ang pahayag ni Tom Parker, isa sa original members ng bandang The Wanted na nagpasikat sa kantang “Glad You Came” patungkol sa isa sa mga judges ng show na The Voice na si Christina Aguillera.

Matatandaang nag-guest ang banda sa isa sa mga episode ng The Voice, pero hindi man lang daw sila binigyang-pansin ng singer at judge ng reality singing show.

“She was quite rude,” dagdag pa ng isa sa mga bandmates ni Parker na si Siva Kaneswaran.

 

MEGAN FOX, 3 ANG GUSTONG MAGING ANAK!

 

INCREDIBLY EXCITED! ‘Yan ang nararamdaman ngayon ng Transformers actress na si Megan Fox at asawa nitong Beverly Hills star na si Brian Austin Green dahil sa balitang pagdadalang-tao ng aktres.

Ito ang magiging unang baby nina Megan, 25 at Brian, 38 na ikinasal noong June 2010 sa Hawaii.

Tatlo raw ang gustong maging baby ni Megan sa asawang si Brian kung saan may anak na ito na 10-year old sa ex-wife niyang si Vanessa Marcil.

 

MARIAH CAREY AND NICK CANNON, TAON-TAON NAGRE-RENEW NG WEDDING VOWS

 

SINAMANTALA NG mag-asawang Mariah Carey at Nick Cannon ang kanilang pagbabakasyon sa most romantic city on the planet, ang Paris, France sa kanilang pagre-renew ng kanilang marriage vows.

With the Eiffel Tower in the background and with Cannon donning a white tuxedo and Mariah in a similarly-colored gown, Cannon got down on one knee once again and professed his love for his lovely wife.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-renew ng kanilang vows ang mag-asawa. Noong isang taon sa hospital kung saan isinilang ni Mariah ang kanilang twins ni Nick na sina Moroccan and Monroe ay nag-renew sila ng kanilang marriage being officiated by Rev. Al Sharpton.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong 2008 sa Bahamas at taon-taon ay nagre-renew sila ng kanilang wedding vows.

Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.